Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie Concepcion says she's out of the Pat is Tin teleserye

Valerie Concepcion says she's out of the Pat is Tin teleserye

Author: Ador Saluta

Hindi na pala matutuloy ang dapat sana'y pang-hapong teledrama ng Kapamilya, ang Pat is Tin na pagbibidahan sana ni Valerie Concepcion. Sinadya ng ABS-CBN.com si Val (palayaw ng actress-host) sa kanyang dressing room at sumang-ayon ito sa balita. Desisyon daw ng kanyang manedyer na si Becky Aguila to withdraw Val from the project, kaya't ang nangyari, na-delay pansamantala ang nasabing proyekto.

Hindi naman kaya nabababaan si Becky sa talent fee kaya't nag-beg-off ito sa maganda pa naman sanang programa? " Hindi po sa TF. Unang problema is my schedule. Noong finally, maayos ang schedule, yung role naman ang naging problema namin," bungad ni Val sa amin. " Dapat ako si Tin, tapos pinalitan at naging si Pat ako," kwento ni Valerie. Kapag ginawa daw kasi siyang si Pat, lalagyan siya ng prosthetics na would consume a lot of time. " Kaso, naisip ng production na mahirap akong mag-prosthetics every taping. So, ako na naman si Tin ulit. Ang naging problema lang ni Tita Becky parang sa story kasi, naging minor na 'yung role ni Tin, Naging mas malaki ang role ni Pat. So, nag-decide si Tita Becky na 'wag na lang muna." Malungkot man, naisip rin ni Valerie ba baka hindi pa ito ang right project para sa kanya. " Siguro, not meant for me or maybe it's not the right project. Ganu'n!"

Nanghihinayang din naman si Valerie na kung tutuusin, handa itong rumaket aside from her Wowowee hosting duties at ilang commercials for the future of her daughter Fiona. "In every project na nawawala, nanghihinayang, siyempre. Excited pa naman ako. 'Di ba noong storycon andaming nagtatanong kung kailan ako magso-soap ulit? Eh, heto na nga, hindi na siya natuloy at nakakapanghinayang talaga. But then again, naniniwala pa rin ako sa decision ng manager ko, kaya okay na rin. Maybe it's (the project) not meant for me and I'll just wait for the right project at the right time."

Naungkat din kay Valerie ang pagsisipag nila nina Mariel Rodriguez, RR Enriquez at Pokwang na gawing exciting ang Wowowee kahit wala ang main host na si Willie Revillame. May update man na babalik na si Willie sa Wowowee on August 29, still she says they miss him a lot. " Nakaka-miss siya. Kulang na kulang, alam mo 'yon?" balik-tanong niya sa amin. " Parang ang bagal tuloy ng pagtakbo ng araw, kasi napi-feel mo yong parang kulang sa dati mo nang nakasanayan everyday, di ba? It's different. Panibagong adjustments, ' pag wala siya. Kaya gusto naming bumalik na siya very, very soon dahil nami-miss na namin siya."

Source: ABS-CBN Interactive