|
|
| Valerie Concepcion, torn between three guys?![]() Author: MJ Felipe "Hot momma" ang latest title ngayong ng 21-year-old Wowowee host na si Valerie Concepcion nang maabutan namin siya sa kaniyang billboard pictorial for Belo Medical Group. Kasama niya ang isa pang young mom na si Jennylyn Mercado. Nagpatalbugan sa pagpapaseksi ang dalawa at suprised ang mga bisita at nandoon sa pictorial, dahil sa liit ng mga waistline ng dalawa ay iisipin mong hindi sila nanganak. Super happy si Valerie sa kanyang pictorial and she doesnt mind being called a "hot momma". Pinaghihirapan naman daw niya ng husto ang kanyang sexy figure kaya kung sakaling may mag-bansag sa kanya ng "hot momma" ay wala daw problema! Ngayong hot momma na nga siyang maituturing, pila-pila na ang mga guys na nagpaparamdam sa kanya. Isa na nga dito ang basketbolistang si Dondon Hontiveros. Ilang beses na naming nakita si Valerie at si Dondon na magkasama sa mga lakad, at ayon sa Wowowee host, "I do go out on dates. Wala namang mali doon. Saka we're friends naman talaga, group dates lang. Status? Ano bang status? Basta ako, ayoko muna talaga ng label label na ganyan, gusto ko yung nakikilala ko muna yung isang tao." Nakuwento din sa amin ni Val na naipakilala na raw niya sa kanyang anak si Dondon. Hindi diretsahang maamin sa amin ni Valerie kung nanliligaw ba o nagpapalipad hangin lang si Dondon sa kanya, at tanungin na lang daw namin si Dondon. Eh, ano naman kaya ang masasabi ni Dondon kay Manuel Chua, na kasamahan niya sa Bud Brothers. Aminado si Valerie na medyo daring at sexy nga ang kanilang mga eksena ni Manuel. " Si Manuel, napakasweet niyang tao. Napakabait. Minsan pag nagte-taping kami, pagkakain, magiiwan yan ng chair sa tabi niya tapos sasabihin niya sa akin, sabay na kaming kumain." Sa tingin ba niya ay macho si Manuel? "Sexy!" pahayag nito. Pero hindi naman makapili si Valerie kila Dondon at Manuel. Pero ang latest, pati si Jon Avila eh pumapasok sa eksena. Nagkasama ang dalawa sa isang workshop para sa isang proyekto at dito e nagka-eksena sila na parang aalisin ang mga inhibitions sa isa't isa. " Parang sasabihin namin sa ilang kasama namin sa room na 'I'm reluctant to say that...' tapos dudugtungan namin. Ako, ang sinabi ko kay Jon, 'Im reluctant to say na sobrang ganda ng eyes mo' sabay tingin sa kanya, kaya natawa ako ng sobra!" kuwento ni Val. Naku ha, ang haba ng hair mo Valerie! Tatlo-tatlo yang mga lalaking iyan! At hindi basta basta, mga sexy at macho! Kinamusta din namin kay Val ang opinyon ng kanyang ina sa mga lalaking nagpapahangin at pumoporma sa kanya. Hindi naman daw siya pinipigilan ng kanyang ina, pero pinapaaalalahanan lang niya ito na 'wag magpadalos-dalos sa pag-ibig. Source: ABS-CBN Interactive |