|
|
| Valerie, agresibo sa sex!![]() Author: Abante BAGAY na bagay raw kay Valerie Concepcion ang papel niya sa One Night Only, bilang babaeng liberated. Sangkatutak din daw ang eksena ni Valerie, na kung saan ay pinapak niya ng halik si Jon Avila. “Ako kasi ang aggressive sa aming dalawa sa sex. Talagang ako 'yung nagsasabi sa kanya na, 'o, halika na' ready na ko'! Tapos, hinatak ko siya at pinaghahalikan ko talaga siya!” nangingiting kuwento ni Valerie. Ano naman ang suot niya sa eksenang `yon? “Nakahubad ako! Ha! Ha! Ha! “Pero alam niyo, 'yung story kasi, nangyari lang kasi siya ng one night lang, kaya hindi na na-discuss doon kung ano ang trabaho ko. Wala na!” Anyway, si Valerie nga lang sa mga taga-ABS-CBN ang natuloy sa movie na `yon para makasama ni Katrina Halili. Kumusta naman ang muli nilang pagkikita ni Katrina? “Wala pa kaming eksena ni Kat. Pero, nagkasama kami before sa isang raket sa Surigao. Super chikahan kami! Na-miss niya ko!” sabi ni Valerie. Hindi ba siya nagdalawang-isip na makasama si Katrina sa movie? Eh, balita na si Katrina talaga ang bida rito? “Ah, ganoon ba? Sa akin, okey lang. Kasi, bago ko naman ito tinanggap, si Tita Becky (Aguila), binasa niya ang script and I trust her na magiging okey at makakatulong ito sa akin. “At saka, magkakaiba naman ang story namin. May sariling story si Katrina at may sarili kaming story nina Diana Zuburi at Jon.” Sabi ni Valerie, sana raw ay hindi maputol o matanggal ang lampungan nila ni Jon sa pelikula. “Comedy naman siya at hindi naman siya 'yung seksing-seksi. Kaya naman 'yung connotation na sexy kasi, we're making love under the sheets. Pero wala namang nakikita na nagdyu-dyug kami. Ha! Ha! Ha!” tumatawang say niya. Anyway, masaya si Valerie bilang endorser ng Aldritz energy drink na Energo. Kailangan daw ito ni Valerie dahil subsob siya sa trabaho. Source: Abante |