|
|
| Valerie bagong girl ni Vhong![]() Author: Tonee Coraza Si Valerie Concepcion ang kinuhang bagong leading lady ni Vhong Navarro sa pelikulang Supah-Papalicious na siya ring latest hit single ni Lastikman. Pahinga muna si Toni Gonzaga bilang ka-love-team ni Vhong kasi ayaw daw ni Toni na gumanap bilang isang nanay sa pelikula. Kasi sa istorya 'yung ga-ganap na leading lady ni Vhong ay may anak na isang 10-year-old kid na ginagampanan ni Makisig. Eh, believable naman si Valerie na may anak sa mo-vie dahil may anak naman talaga siya sa totoong buhay. Pero, kahit nanay na siya, ang lakas pa rin ng kanyang sex appeal. Nakabisita kami sa shooting ng movie sa Market Mar-ket at sa eksenang nagdamit- lola si Vhong sabay hataw ng sayaw kasama si Makisig sa isang dance contest kuno ay hindi na kami mapigilan sa kakatawa. Ang galing talaga ni Vhong sa comedy at panay ang puri ni Direk Gilbert Perez sa kanya. Si Vhong na raw talaga ang bagong comedy prince ng bansa. And we agree 101percent Ngayon palang ay alam na namin na magiging superblockbuster paglabas nito sa mga si-nehan sa March 22. Malaki ang posibilidad na matatalbugan pa nito ang pelikulang D' Anothers ni Vhong and Toni. Bale first comedy film ito ni Direk Gilbert Perez under Star Cinema. Maalagaan lang daw sa projects si Empoy ay magiging big star din daw ito. Kasama rin si Empoy sa Supah-Papalicious. Sa mga babae naman, si Ai Ai delas Alas pa rin daw ang queen of comedy para sa kanya. Si Elizabeth Ramsey lang daw ang puwedeng mag-scene stealer kay AiAi kasi mukha pa lang daw nito ay matatawa na ang mga tao. In the same manner, malayo pa raw si Pokwang kung ihahambing kay Ai Ai. Kulang pa raw kasi sa spontaneity si Pokwang, pero natatawa rin naman daw siya kay Pokwang. Samantala, hindi naman niya kinu-consider na commediane si Eugene Domingo, kasi more of a character actress daw ang image nito. Nagti-teatro raw kasi si Eugene at nagdadrama rin ito. Ang hinahangaan naman niya sa lahat ng comedy directors ay si Chaning Carlos. Classic na raw kasi ang mga ginawang comedy film ni Direk Chaning kina Maricel Soriano at iba pa. Sa mga contemporary comedy directors nagagalingan daw siya kina Wenn Deramas at Bb. Joyce Bernal. Pero, bisita rin pala siya sa shooting. Binabantayan lang niya ang alaga niyang si Vhong Navarro na siyang bi-da ng movie. Ayon sa isang crew na nakausap namin, ganoon daw talaga kaalaga si Direk Chi-to sa mga mina-manage nito. Tinitingnan daw nito talaga kung okey ba ang alaga sa set at kung smooth sailing ba ang shooting. Siyempre concerned ito kung maganda ba o hindi ang ginagawang movie ng mina-manage. Aba, napakasuwerte nga naman ni Vhong at ng iba pang Streetboys kasi hands-on ang pag-aalagang ginagawa ni Direk Chito sa kanila. Eh, 'yung ibang managers ng ilang artista ay never mong makikitang bumibisita sa shooting o taping ng kanilang ward. May sariling project si Direk Chito sa Star Cinema, ang Caregiver movie ni Sharon Cuneta na sisimulan na ang shooting sa Europe right after the Holy Week. Source: Taliba |