|
|
| Valerie, bilib sa tapang ni JenAuthor: Gerry Ocampo NU'NG Lunes ng gabi, nagkaroon ng story conference ang ABS-CBN para sa Eva Fonda 16, na pangungunahan ni Cristine Reyes. Sabi ng isang source, hindi pa alam kung sinu-sino ang makakasama ng nakababatang utol ni Ara Mina sa remake ng naturang sexy movie, na unang tinampukan ni Alma Moreno nu'ng kanyang kabataan. Hindi pa rin alam kung sino ang magdidirek ng programang papalit sa Prinsesa ng Banyera nina Kristine Hermosa at Ara Mina. Siyempre, si Ara ang masayang-masaya sa mga pangyayari, dahil nabigyan din ng tamang project ang kapatid. Matatandaang sinabi ni Ara sa presscon ng Ate na kaya siya nag-produce ng pelikula ay para mabigyan ng matinong project si Cristine. Ang tanong: Ano kaya ang reaction ni Alma na si Cristine na ngayon ang gagawa ng Eva Fonda 16? * * * Bilib si Valerie Concepcion sa tapang ni Jennylyn Mercado dahil ipinagsigawan sa mundo na buntis siya, hindi tulad niya, na nu'ng una'y bantulot na ibulgar ang nagdadalantao. Concerned si Valerie kay Jen dahil bukod sa iisa ang kanilang manager, si Becky Aguila, alam din niya ang pinagdaraanan ng actress na balitang nakipaghiwalay na sa BF na si Patrick Garcia. Naniniwala si Val na malulusutan ni Jen ang lahat ng mga pagsubok sa buhay at makakaya ring buhayin ang magiging anak tulad niya. Si Valerie ay solong magulang sa lovechild na si Heather Fiona, three years old. Speaking of anak, si Makisig Morales pala ang lalabas na anak ni Val sa Supahpapalicious ng Star Cinema, also starring Vhong Navarro and Pokwang. Nakarating sa amin ang tsikang dapat ay papalitan si Valerie sa movie dahil masyado pa itong bata para maging nanay ni Makisig. Pero, ipinaglaban siya nina Vhong at Direk Gilbert Perez. * * * BAGO na ang timeslot ng The Sweet Life ni Lucy Torres-Gomez sa QTV 11. Hindi na ito mapapanood ng 6, kundi 7 p. m. na tuwing Wednesday, Thursday at Friday. Source: People's Tonight |