|
|
| Valerie binawasan ang TF kaya lumayas sa Banana Split![]() Author: Tonee Coraza Aba, may local version na pala tayo ng Gossip Girl na sikat na sikat sa States. Isasa-TV ng ABS-CBN ang Precious Hearts Romances na pinakamabiling romantic pocketbook sa bansa. At pagbibidahan ito ng ilan sa pinakamaiinit na artista ng Dos tulad nina Cristine Reyes, Jake Cuenca, Roxanne Ginoo, John Prats, Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Mariel Rodriguez, Rafael Rosell, Will Devaughn, ang Pinoy Fear Factor participantes na sina Jan-na Dominguez, Manuel at iba pa. Nagsimula na silang mag-taping ngayon at ipapalabas ito sa Mayo. Katakut-takot na laplapan daw at love scenes ang mapapanood sa leading characters nito. * * * Pinabulaanan ni Roxanne Ginoo na hindi niya sinipot ang last taping day ng Season 1 ng Banana Split bilang protesta sa pagkakasibak niya sa show. Isa siya sa tatlong tinanggal sa show kasama sina Valerie Concepcion at Diane Medina to give way sa pagpasok ng Parekoy cast na sina John Prats, Zanjoe Marudo at Jaison Gainza. "Hindi totoong inin-dyan ko 'yong last day taping ng Banana Split. Wala akong natangggap na tawag. Kung tinawagan nila ako, bakit naman hindi ako sisipot? "No, hindi naman ako nagtatampo sa pagkakatanggal ko sa show. Management decision 'yon, eh. Sumusunod lang naman ako kung ano man ang bagong show na ibigay nila sa akin tulad dito sa Precious Hearts Romances. At saka tama naman sila, mas komportable ako sa drama kaysa sa comedy," pahayag ni Roxanne. Mahaba ang hair ni Roxanne ngayon kasi kasama niya sa PHR ang ex-BFs niyang sina Jake Cuenca at Joross Gamboa. * * * Iba naman ang lumabas na istorya sa pagkakatsugi ni Valerie sa Banana Split. Diumano ay nagbawas ng TF sa cast ng Banana Split dahil nga papasok ang tatlong taga-Parekoy na sina John, Zanjoe at Jason. Hindi raw type ng manager ni Valerie na si Becky Aguila ang pagbabawas ng TF sa alaga nito kaya ipinul-out na lang nito si Val. Marami tuloy ang nanghihinayang, kasi ba-gay na bagay sa gag show si Val dahil natural itong komedyante at masayahin. "Wala akong alam tungkol sa TF-TF na 'yan. Mabuti pa si Tita Becky na lang ang tanungin ninyo pagbalik nila ni Angel (Locsin) mula sa Korea. Ako naman, puwede ako sa lahat ng klase ng show basta may trabaho," nakangiting tugon ni Val. Anyway, sa palagay namin ay masisira lang ang concept ng Banana Split sa pagpasok ng Parekoy cast, kasi naiiba nga ang Banana Split dahil puro seksing babae lang ang nasa cast nito kaya puro macho na artista naman ang guests nila every week. Huwag nang isiksik pa sina John, Zanjoe at Jason sa show, tutal busy naman ang mga ito sa ibang shows. Source: Taliba |