Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie, bumigay kay Jon!

Author: Gerry Ocampo
Column: Hot Shots

HIndi Star Magic talent si Valerie Concepcion kaya kasama pa rin siya sa One Night Only launching picture ni Katrina Halili sa OctoArts Films.

Sina Angelica Panganiban at Roxanne Guinoo lang ang nag-beg-off sa proyekto dahil lalabas na supporting lang sila kay Katrina.

Pagdiriin ni Valerie, bagong endorser ng Energo energy drink, masaya siya at nakasama niyang muli si Katrina.

Nagkasama ang dalawa sa Atlantica nu’ng nasa GMA-7 pa si Valerie

Naintriga kami sa nakarating sa aming balita na tinanggal daw, daw ha, ang romansahan ng characters nina Valerie at Jon Avila sa launching movie ni Katrina na entry ng Octo sa Metro Manila Film Festival.

Hindi raw pumayag ang mga magulang ni Valerie sa naturang love scene?

“Yes, nakunan na po ’yung supposed to be ay love scene namin ni Jon. Wala po akong saplot sa katawan, hahaha! Joke lang po! Ang eksena po, supposedly ay nagse-sex kami ni Jon sa ilalim ng kama. Dahil wholesome naman ang dating, walang naging problema. Hindi po totoong ipinatanggal ng mga magulang ko ’yon,” esplika ni Valerie.

* * *

AMINADO si Richard Gomez na nag-audition siya para maging host ng bagong game show, Family Feud, ng GMA-7.

“Tinanong ako kung gusto ko raw mag-audition at mag-host ng family game show. I said yes, matagal ko nang pinapangarap maging game show host,” say ni Goma.

Sa mga nakasabay niyang nag-audition, kay Ogie Alcasid daw siya kinabahan dahil dati na itong nag-host ng naturang game show sa noo’y ABC-5.

Pinanood ni Goma sa YouTube ang Family Feud para alamin ang mechanics ng laro bago sumalang sa audition.

Lucky enough, siya ang mapalad na napili ng GMA sales at Fremantle Media.

Bukod sa pagiging pamilyado, hitsura at tangkad ang naging kalamangan ni Goma sa mga nakasabay.

Anyway, nu’ng presscon ng Family Feud (magsisimula na sa October 13 bago mag-24 Oras), kung si Goma lang daw ang masusunod, gusto niyang maglaban sa show ang pamilya ng mga naging girlfriend niya.

Open din siya sa paghaharap sa Family Feud nina Cristy Fermin at Nadia Montenegro kasama ang kanilang respective families.

Maganda at click din ang ideyang pagsamahin sa isang episode ang mga pamilya nina Sharon Cuneta at Dawn Zulueta.

’Pag nakaya nila itong gawin, siguradong tatalbugan ng game show ni Goma ang katapat na programa ni Kris Aquino sa kabilang network.

“Why not? Bakit hindi? Kung kailangang kausapin ko sila, gagawin ko. Maganda naman ang naging paghihiwalay namin, so, wala sigurong magiging problema,” ani Goma sa ideyang pagsamahin ang pamilya ng mga ex-GF.

* * *

Nag-last taping day na ang Dyesebel at bilang pasasalamat sa lahat ng sumubaybay sa telefantasya, pupunta sa SOP sa Linggo ang buong cast nito sa pangunguna nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, atbp.

Magbibigay-pugay din si Rhian Ramos, na sasalang para sa launching ng La Lola at may big debut party pa.

Darating din si Goma ng Family Feud at Lovi Poe, na may inihandang regalo para sa viewers.

Kabilang din sa guest list ang world-class talents na sina Rowena Vilar at Joanna Ampil.

Source: People's Tonight