Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie, bumili ng P9M na bahay

Valerie, bumili ng P9M na bahay

Author: Vinia Vivar

KASABAY ng pagkawala ni Valerie Concepcion sa Banana Split ay isang magandang pangyayari.

Finally ay nabili na niya ang kanyang dream house na matagal nang inaasam-asam kaya masayang-masaya ang young actress-TV host.

Located sa Filinvest 2 sa may Commonwealth ang nabili ni Val. May kamahalan nga lang, dahil nagkakahalaga ito ng P9M, pero okay lang, dahil type na type niya ang Japanese style nito.

Pinag-ipunan talaga ni Val ang downpayment sa bahay. Lahat ng kinita niya, lahat ng pagpupuyat at pagod ay dito niya inilaan.

Kaya ngayong nandiyan na, hindi maipaliwanag ng young actress ang kasiyahan.

Paunti-unti na silang nagllilipat and hopefully, makumpleto nila ngayong Holy Week ang paghahakot.

Ang paglilipat ang aasikasuhin nila ngayong Semana Santa.

Samantala, may kapalit ding bagong programa ang nawala kay Val dahil kasama rin siya sa new show na Precious Hearts na malapit nang simulan.

Bukod dito ay kare-renew lang ng konrata ng young actress-TV host sa Wowowee for another six months.

* * *

DAHIL Semana Santa, isa-isa nang nag-aalisan ng bansa ang ating mga artista para samantalahing makapagbakasyon sa ilang araw na day off.

'Yung iba naman, pinagsasabay na rin ang trabaho at bakasyon since hindi naman ino-observe sa ibang bansa ang Holy Week.

Tulad nina John Lloyd Cruz, Sam Milby at iba pang Kapamilya stars na bound for USA this Holy Week para sa isang show.

Ang alam namin, after the show ay hindi na uuwi si John Lloyd sa 'Pinas at hihintayin na ang pagdating nina Vilma Santos at Luis Manzano para sa shooting ng movie nila sa New York.

Kaya, medyo matagal nating hindi makikita ang young actor.

Si Sam naman, ang scheduled arrival niya sa 'Pinas mula sa Korea ay kahapon, pero aalis ulit para nga pumunta ng U. S.

Ang mag-sweetheart na sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban, Japan-bound this Holy Week. Bakasyon lang talaga ang ipupunta nila roon at excited sila dahil first time nila pareho na makapunta sa nasabing bansa.

Nasa U. S. din ngayon sina Richard Gutierrez at Rhian Ramos at nag-guest sa show ng Eat Bulaga sa Atlantic City, New Jersey.

After the show, in-extend ng dalawa ang kanilang stay doon for another four days since bakasyon naman at sa April 11 pa ang resumption ng taping nila for Zorro.

Si Angel Locsin na nasa Korea at nagsu-shoot ng Only You, baka hindi pa makauwi sa April 10.

Ang balita, hanggang 12th pa ang kanilang taping doon.

* * *

ANG Malaysian actress namang si Carmen Soo ay sa Pilipinas mananatili ngayong Holy Week. Pupunta siya sa Cebu kasama ang ilang Malaysian friends.

"I have friends coming from Malaysia who have never been to Cebu as well, so we're going there," say niya.

Nang tanungin kung kasama niya si Jericho Rosales, aniya, hindi.

Wala palang Holy Week sa Malaysia dahil sa rami na rin daw ng relihiyon doon at karamihan sa kanila ay Buddhist.

Kaya, first time niyang ma-e-experience sa 'Pinas ang Semana Santa.

Mas maganda kung makikita ni Carmen ang ating mga kinaugaliang tradisyon tuwing Mahal na Araw tulad ng penitensiya, senakulo at pagpapako sa krus na sa Pilipinas lang makikita.

Anyway, kasalukuyang nasa bansa si Carmen to take Tagalog lessons in preparation for her movie under Star Cinema with Jericho and Kristine Hermosa na sisimulan sa July.

Source: People's Tonight