|
|
| Valerie, crush na crush ng batang negosyante![]() Author: Vinia Vivar Sa presscon ng Slendance ni Valerie Concepcion last Saturday night sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, naitanong sa young actress-TV host ang tungkol sa kanyang love life. As everybody knows, galing si Val sa isang hindi magandang relasyon four or five years ago at magbuhat nu'n, wala pang napapabalitang seryosong relasyon ang young actress. Maraming na-link sa kanya at dahil ang ganda-ganda naman niya, hindi maaalis na maraming manligaw. Pinaka-consistent na natsitsmis sa kanya ay ang basketball player na si Dondon Hontiveros ng Magnolia team. Inamin naman ni Val that she entertains suitors and she's dating Dondon. "We've been dating for a year now and so far, wala pa talaga kami sa point na masasabi kong kami na," say ni Valerie. Ang siste, may bagong manliligaw ngayon si Val na pinagseselosan ni Dondon. Isang nangangalang Paul, na anang young actress, hindi niya matandaan ang surname. Isa siyang businessman, only 34 years old, at mukhang malakas ang tama sa kanya. Nakilala ni Val ang guy recently na talagang nag-effort pa na pumunta sa Wowowee studio para makilala siya. Mukhang na-impress naman ang young actress sa unang pagkikita pa lang, dahil disente raw ito, may hitsura at mukhang mabait. Nang malaman ni Dondon ang tungkol dito ay nagselos daw ito at nagtampo, pero ani Val, pinaliwanagan na niya ang basketbolista na hindi pa naman sila, kaya may right pa siyang mag-entertain ng ibang suitors. Sa ngayon, may the best man win ang drama ng dalawang guys, dahil sa malas ay desidido rin ang non-showbiz guy kay Valerie. Samantala, masayang-masaya ang Slenda management na ine-endorso ni Val. Ang Slenda ay isang herbal dietary supplement na nakatutulong magpapayat. Kaugnay nito, naglabas sila ng isang instructional video called Slendance, na naglalaman ng 30- minute workout that combines aerobic exercise, coordination, endurance at mental workout. Si Valerie mismo ang inyong mapapanood sa video at available na ito sa lahat ng record bars. "Nandu'n kami sa Greece," say ni KC, "imposible namang walang kissing scene sa Greece. Sobrang ninerbyos po talaga ako, 'yun bang parang 'yung camera, hndi na naging friendly. "Sa isip ko, parang nakikialam 'yung camera, parang tsismosa 'yung camera, parang ganu'n 'yung naiisip ko tuloy. "Sobrang nerbyos talaga ako, naka-ilang takes talaga kami. Pero after nangyari, after that, ang ganda kasi ng view, ang ganda ng lugar, nasa tuktok kami ng Santorini, so kitang-kita lahat, pati dagat. Tapos, pati po 'yung mga suot namin, bumagay sa view," mahabang kuwento ni KC. Dagdag naman ni Richard, "'Yung mga foreigner, nanoood sa amin at pumalakpak noong nagki-kissing scene kami. " Say naman ni KC, lalo raw tuloy siyang na-conscious nang time na 'yun. "May time pa na tinatago ko pa 'yung kiss, 'yung balikat ko, parang itinatago ko. Talagang first time ko po talaga, sobrang ninerbyos ako. Si Chard, ang dami na niyang experience na ganu'n, matagal na siyang gumagawa ng pelikula. " Sagot naman ni Chard, "Hindi naman, sobra ka naman. Kinabahan din ako, ha?" May isa pa raw kissing scene na hindi nakukunan at 'yun daw ang "pinaka" ayon kay Chard. Sabi naman ni KC, sana, 'pag kinunan 'yun ay mas kumportable na siya. Source: People's Tonight |