|
|
| Valerie, damay sa iringang Cristine-RR!![]() Author: Vinia Vivar Parang pinagtiyap naman ng pagkakataon na ang bagong idine-date ni Anne Curtis ay brother ng ex-girlfriend ng leading man niya sa The Wedding na si Derek Ramsay. Ang ex-girlfriend ni Derek ay si Solenn Heusaff at ang name naman ng kapatid nito ay si Erwan. As much as possible, ayaw itong pag-usapan ni Anne dahil hindi naman daw showbiz ang guy. "I just don't want to talk about it talaga. I'd rather keep it, ah, kasi it's still, we're still getting to know each other," ani Anne. Wala pa raw silang relasyon, kaya mas maganda kung tahimik na lang muna't huwag na lang munang pag-usapan. "Parang it's just not comfortable talking about it. If the right time comes. Kasi we're just getting to know each other. So, you can't really say, you can't say anything about it. "I've been an open person naman. But for now, I'd rather keep quiet about it. Basta I'd rather not talk about it. Basta we're good," say pa ng young actress. Isa pa, hindi naman daw dito nakatira sa 'Pinas ang brother ni Solenn, kaya hindi rin sila madalas magkita. Kung sakali, long-distance love affair ang mangyayari, but for now, masyado pa raw maaga para magsalita. * * * Habang dumaraaan si Maricar Reyes sa mabigat na pagsubok at pinakamalaking kontrobersiya na marahil ng kanyang buhay, malaking bagay ang suporta ng buong ABS-CBN network at Star Magic sa kanya. Sa panahong nanahimik ang kampo ni Maricar, nirespeto ng ABS-CBN ang desisyon ng pamilya niya. Bilang patunay sa pagmamahal ng ABS-CBN kay Maricar, dalawang TV projects ang ibinigay dito. Si Maricar ay unang napanood sa I Love Betty La Fea bilang Candy, ang ex-girlfriend ni Armando (John Lloyd Cruz). Ngayon, special guest siya sa May Bukas Pa bilang taong-grasa. Pinatunayan naman ni Maricar na worth it ang suporta sa kanya dahil ibinigay niya ang kanyang best sa pagganap sa role. Ngayong Sunday, mapapanood din ang newcomer bilang lead star, along with Jodi Santamaria and Sid Lucero, sa bagong episode ng Sunday drama series na Your Song Presents mula sa direksyon ni Erick Salud. Gagampanan ni Maricar ang role na other woman sa Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal. * * * Pati si Valerie Concepcion, na matagal nang wala sa Banana Split, nadadamay sa awayang Cristine Reyes at RR Enriquez. Lumalabas sa palitan ng text nina Cristine at RR ang pangalan ni Valerie, na ayon sa nakababatang kapatid ni Ara Mina, pinagkaisahan ng tatlo (RR, Angelica Panganiban and Pokwang), tulad ng ginawa sa kanya. Ang alam namin ay nagkaroon na ng closed-door meeting noon sina Val, RR at Pokwang para ayusin ang kanilang indifferences. Bukod kasi sa Banana Split, magkakasama rin sila sa Wowowee, kaya hindi magandang sila-sila ay nagkakaroon ng gap. Sa pagkakaalam namin, naayos naman ang misunderstanding na natatandaan naming nagsimula lang sa isang harmless comment ni Val about Pokwang. Sabi nga ni Pokwang nang makausap namin two weeks ago, hindi naman maganda na nag-aamoy sunog silang plastic sa studio, kaya talagang pinag-usapan nila ang lahat at nagkaayos naman. Ngayon, siguro, ang dapat namang pagharap-harapin ng management ay sina Cristine, RR, Pokwang at Angelica para maayos ang kung anumang gulo nila. Sa ngayon, lumalabas na nang buong-buo ang nasabing palitan ng text messages nina RR at Cristine at sa totoo lang, kahit sino'ng makabasa ay iisiping ang cheap ng kanilang pinaggagawa't hindi na binigyan ng kahihiyan ang mga sarili. Kung kami ang management, pag-uuntugin namin ang ulo ng dalawang ito nang matauhan! Source: People's Tonight |