| | Valerie, gaya-gaya kay Marian? Valerie, enjoy kay Dondon Hontiveros!Author: Rose Garcia IKINUKUMPARA si Valerie Concepcion ngayon kay Marian Rivera. Pareho kasing may dance album ang dalawa. Ang Slendance album ang ipino-promote ni Valerie ngayon, na sabi-sabi ay parang kinopya sa pagsasayaw ni Marian. “May nagtanong nga sa akin, pero like I said, I don't want to compete with anyone. Not even with Regine Tolentino or Marian Rivera. Wala po talaga. We just decided to do this kasi nga po, parang feeling namin, we owe it to the people dahil sa sobrang success nga po ng Slenda,” sabi ni Valerie. Kunsabagay, kung kaseksihan ang pag-uusapan, hindi patatalo si Valerie kay Marian. Kitang-kita raw `yon sa Slendance album niya. “Kung sasabihin ko na ang sexy ko, ang yabang ko naman. So, kayo na lang ang mag-judge. Depende po, sa latin dance naka-dress po ako ng fit. Sa hip hop, naka-dress ako ng pang-gimmick.” Sa kaseksihan niya ngayon, napi-feel ba niya na mas dumami ang mga lalaking nagpapantasya sa kanya? “Sa totoo lang, meron. Ha! Ha! Ha! “Pero siguro, dahil na rin sa respect nila sa akin, hindi nila sinasabi sa akin. More on, naririnig ko. Like 'yung make-up artist namin, 'yung taxi driver daw parang, wow, ang ganda talaga ng mukha ni Valerie at saka, ang seksing sumayaw, 'yung ganoon. “I feel flattered kasi, pinaghirapan ko naman ang katawan ko. Nag-i-exercise ako at two times lang ako kumain sa buong araw.” Masarap ba ang feeling na pinagpapatasyahan siya? “Flattering. I think, it's positive naman. Hindi naman negative ang dating.” Flattered din ba siya na tinatawag siyang Hot Momma? “Sosyal! Bongga! Ha! Ha! Ha! “Sosyal, 'di ba? Eh kasi, depende naman 'yan sa tao kung ano ang ibibigay niyang meaning sa naririnig niya. So, ako hindi ko siya tinitingnan as a negative thing. I make sure na positive ang tingin ko sa mga bagay-bagay. Kaya talagang, go! Bongga 'yun! Sosyal. Ha! Ha! Ha!” Well, dahil sa pagiging Hot Momma ni Valerie ngayon, dalawang lalaki ang nag-aagawan sa puso niya. Ang basketbolista ng Magnolia team na si Dondon Hontiveros at businessman from Australia na ang pangalan ay Paul. Si Dondon, 2-years na raw niyang kakilala at 1-year na nakaka-date. Si Paul naman, 2-weeks pa lang daw niyang kilala. Sa dalawa, aminado si Valerie na mas lamang si Dondon. “Siyempre, kung 'yung tagal ng pagkakakilala namin, mas lamang siya dahil 2-years ko na siyang kakilala. 'Yung businessman naman, kailan lang. Pero, ang maganda sa businessman, talagang nag-e-effort siya!” natatawang sabi ni Valerie. Pero hindi pa raw niya boyfriend si Dondon. “Wala pa! Date-date lang kami. Hindi ko priority ang lovelife ko ngayon. Ang priority ko ay magkaroon ng bahay for my family. Sa ngayon kasi, meron din siyang mga personal issues na inaasikaso. Ako rin naman. So, ini-enjoy lang namin ang isa't isa. Masaya si Valerie dahil hindi raw isyu sa mga manliligaw niya ang pagkakaroon ng 3-years old daughter. Source: Abante |
|