|
|
| Valerie, 'inupakan' ni Direk Kaka!Author: Gerry Ocampo SA Christmas party na inihandog ni Senator Bong Revilla para sa entertainment press kamakailan, hindi naiwasang banggitin ang pangalan ni Optical Media Board chairman Edu Manzano. Panawagan ni Sen. Bong kay Edu at sa PNP, magtulungan para masugpo ang lumalalang piracy sa bansa. Tigilan na raw ang bangayan at magtulungan na lang in the spirit of Christmas para tuluyang maisalba ang local movie industry. "Nananawagan ako sa OMB at sa PNP na magtulungan at magkaisa para masugpo natin ang mga pirata. Maawa naman kayong mga pirata sa mga producer na gumagawa ng paraan para mag-produce ng pelikula," ani Sen. Bong. "Sana naman huwag nilang i-pirata ang mga pelikulang kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival. Tigilan na natin ang bangayan (tinutukoy si Edu). Magtulungan tayo para sa kapakanan ng pelikulang lokal," dagdag pa ni Sen. Bong. Sa isyu naman na magiging mahigpit niyang kalaban sa Best Actor category ang kaibigang si Sen. Jinggoy Estrada sa MMFF awards night sa January 5, 2008, ang sabi ng actor-pulitiko, "Siya na lang. In fairness sa kaibigan ko, natuto na siyang umarte, hahaha! No, kidding aside, magaling talaga si Jinggoy sa Katas ng Saudi. " Samantala, si Sen. Bong ang guest sa hot seat ng Balakubak portion ng Nuts Entertainment mamayang gabi. Sasabak din siya sa iba't ibang signature games ng NE kasama sina Ariel at Maverick, Paolo Paraiso, Gwen Garci, Vaness del Moral at ang buong Nuts barkada. * * * KASAMANG humarap ni Manny Pacquiao sa ipinatawag na presscon ng Solar Sports kamakailan ang coach na si Freddie Roach at promoter na si Bob Arum. Doo'y kinumpirma nila ang laban ng Pambansang Kamao kay Juan Miguel Marquez sa March 15, 2008 sa Las Vegas. Sabi ni Manny, mahirap siyang talunin at handa niyang labanan si Marquez with his bare hands. Labis naman itong ikinatuwa ng sports writers na dumalo rin sa nasabing presscon. Pagkatapos ng Solar Sports presscon, tumuloy si Manny sa presscon ng MMFF entry niyang Anak ng Kumander. Dumating din ang leading lady niyang si Ara Mina, pero wala ang co-star nilang si Valerie Concepcion. Hindi itinanggi ng director na si Jose "Kaka" Balagtas na wala sa script ang torrid kissing scene nina Valerie at Manny, pero pinagdiinang kinusap muna niya ang young actress at pumayag naman ito. "Walang phone sa location namin, kaya hindi ko nakausap ang manager ni Valerie para ipaalam ang gagawing eksena. Kinausap ko si Valerie, na at her age, may sapat nang pag-iisip para magdesisyon," paliwanag pa ni Direk Kaka. "Pumayag naman siya. Nagtaka na lang ako nu'ng biglang naging isyu ang kissing scene. Kinunan ko 'yun para mas lumutang ang role ni Val. Kaso, kami pa ang napasama at sinabihang nanloko. "Ilang beses niyang 'di sinipot ang shooting. Kung hindi ako nagkakamali, mahigit limang beses. Tatlong-daang katao ang binabayaran ni Manny sa shooting kada araw, pero wala siyang narinig sa producer namin. "Wala akong nilokong artista mula nang ako'y magdirek sa pelikula. Ilang beses na akong tumulong, pero ang manloko'y 'di ko magagawa," himutok pa ni Direk Kaka. Source: People's Tonight |