|
|
| Valerie, kinikilig kay Gabby!Author: Abante PINANINDIGAN na ni Gabby Concepcion ang pagiging singer. Mabibili na ngayon sa mga music stores ang first album niya mula sa Warner Music Philippines. At ngayong gabi, may concert pa siya sa Zirkoh, Timog, kasama sina Toni Gonzaga, Valerie Concepcion, Joross Gamboa, Baywalk Bodies, at Raphael Martinez, ang Faces, Voices & Bodies. Pero patikim, pa lang ang concert na `yan sa Zirkoh Timog, dahil bukas (August 15) ay may concert naman siya sa Music Museum. “Nu'ng umuwi ako ng Pilipinas, ang ini-expect ko gagawa ako ng pelikula, pero sa TV ako napunta. Then, nagka-album pa ako.” Anyway, tila kinikilig naman si Valerie kay Gabby. “Ang guwapo-guwapo ni Gabby. Napanood ko noon ang mga movies niya. Excited ako na makasama siya. Gusto ko siyang maka-duet,” say pa ni Valerie. Para sa mga detalye, tawag na sa 0923-6491784/4674088. Source: Abante |