|
|
| Valerie laging on the goAuthor: People's Taliba ISA sa mga in-demand artists ngayon ay si Valerie Concepcion. Ang kanyang hosting stints sa Wowowee, antics sa Banana Split at iba pang mga endorsements ang pumupuno sa kanyang schedule kaya naman bising-bisi ang dalaga. Ano kaya ang nagbibigay ng energy kay Valerie kahit na kaakibat ng kanyang trabaho ang stress at exhaustin? Energo. Isang formulated na energy drink na ginawa ng Aldrtz Corporation (100% Filipino owned business) na nagbibigay ng extra boost sa kahit anong ginagawa niya. Bilang artista, nakita ni Valerie ang importansya ng produktong ito sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Revitalized at ready to go the extra mile ang pakiramdam ng host/actress sa tuwing umi-inom ito ng Energo Energy Drink. Swak na swak na endorser si Valerie para sa produktong ito dahil isa siyang perpektong halimbawa ng isang taong always on the go na kitang-kita naman dahil aktibong-aktibo pa rin ito kahit na maraming proyekto. Mabuting inumin ng mga atleta, busy professionals, mga aktibong estudyante, mga driver na mahaba ang biyahe, mga homemakers, mga health conscious na tao, at mga dancer, si-guradong pana-natilihin kayong on the go ng Energo. Meanwhile, zero ang lovelife ngayon ni Valerie. May mga nali-link sa kanyang lalaki, pero wala pa siyang ina-amin tungkol sa mga ito. âMasaya naman ako kahit wala akong boyfriend, eh. Sa sobrang dami ng work ko nga-yon, baka hindi ko rin mabigyan ng time ang magiging boyfriend ko kaya mas okey na huwag na lang muna,â wika pa niya. Teka, di ba crush ni Valerie si Richard Poon? Hindi kaya ang singer ang dahilan kung bakit ayaw na niyang mag-entertain ng suitors? Source: Taliba |