Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie, mahilig sa DOM?

Valerie, mahilig sa DOM?

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

Planong magbakas­yon ni Valerie Concepcion sa Macau sa Holy Week.

Pero, huwag na huwag daw isipin ng ibang tao na may ibang lalake siyang kasama sa pagpunta niya sa Macau, na siyang gagas­tos sa kanya.

Sabi ni Valerie, ang nanay niya at ang manager niya ang makakasama niya sa bakasyon.

“Wala akong boyfriend, kaya paano mangyayari na magsasama ako ng lalake sa Macau? Atsaka, matagal na rin na­ming plano ng mommy at ng manager ko na magbakasyon, at nga­yong Holy Week lang matutuloy 'yon,” sabi ni Valerie.

Sabi pa ni Valerie, mala­bong mangyari na pumatol siya sa isang lalake alang-a­lang sa datung. Ni sa pana­ginip ay hindi raw niya naiisip na pumatol sa DOM.

“Alam naman ninyo na nagmahal ako ng isang la­lake na hindi naman mayaman. At hanggang ngayon, hindi naman niya sinusuportahan ang baby ko.

“Tatlong taon na ang baby ko, at masasabi ko na ako lang at ang family ko ang nag-support sa kanya.

“I don't need ang boyfriend para lang suportahan o gastusan ako. Maganda naman ang takbo ng career ko!” pahayag pa ni Valerie.

Ayon pa kay Valerie, hindi rin daw totoo na naging karelasyon niya ang isang basketbolista. Totoo raw na nakilala niya ito noon, pero bigla na lang daw itong nawala noong nagkasunud-sunod na ang mga trabaho niya.

Sa mga nagtatanong kung nasaan na ang tatay ng anak ni Valerie, sinabi ng aktres na hanggang ngayon ay hindi talaga niya alam kung nasaan ito.

May mga nagsasabi raw sa kanya na nasa Las Piñas ito, pero wala raw siyang panahon na puntahan ito.

Sabi pa ni Vale­rie, wala na siyang sama ng loob sa tatay ng kanyang anak. Pero, ayaw raw muna niyang makita ito sa ngayon.

“Bagamat wala na akong galit sa kanya, dahil natanggap ko na talaga kung ano ang nangyari sa amin. Pero, ayoko muna siyang makaharap.

“Siguro, dara­ting din 'yung time na mag-uusap kami, maghaharap kami.

Pero, hindi muna ngayon!”

Kaya nga may payo si Valerie kay Jennylyn Mercado, na hindi raw ito dapat matakot na haraping mag-isa ang pagpapa­laki sa magiging anak nila ni Patrick Garcia.

“I got pregnant when I was 16-years old. At na-survive ko 'yon lahat, kahit walang support ng father niya.

“I know makaka-survive si Jennylyn. Marami pang maganda na puwedeng mangyari sa kanya. I'm sure, magsusunud-sunod ang mga blessings niya.”

Source: Abante