|
|
| Valerie mas pasisikatin ng Dos kesa kay Angel![]() Author: Chan-Chan Torres NAPAKINGGAN namin sa DZMM 630 ang opisyal na pahayag ni Kris Aquino kasama ang kapatid na si Senador Noynoy Aquino tungkol sa maselang kalagayan ng inang si dating Pangulong Cory Aquino. Sa pamamagitan ni Korina Sanchez, ipinahayag nina Kris at Senador Noynoy sa Showbiz Mismo (nina Cristy Fermin at Joebert Sucaldito) na may kanser sa colon ang kanilang ina. Sa statement pa rin ni Kris, sinabi nitong ang mommy nila mismo ang nagpasya na to come upfront, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matapang at sobra ang pananalig sa Panginoon ng dating Pangulong Aquino. Kung kaya't handa si-yang harapin ang pagsu-bok na ito. Tinanong daw sina Kris at Senador Noynoy ng media kung saan at paano ito nadiskubre at agad naman itong sinagot ng magkapatid. Nagsimula umano ang lahat nu'ng panahon pa ng kapaskuhan kung saan napansin na nilang mag-anak na wala nang ganang kumain si Mrs. Aquino at nagbawas na ito ng timbang. Bukod pa rito, tumaas din daw ang kanyang blood pressure at nilagnat. Nagpasya na raw silang magkakapatid na ipasuri ang ina. Bagama't naroon ang pagtataka nilang lahat kung bakit nagkaganoon ang mommy nila. Bihira lang daw kasi sumama ang pakiramdam ni Mrs. Aquino. After a series of tests at check up ay napag-alamang colon cancer nga ang diagnosis. Masakit man ang mga ganitong sandali sa isang mag-anak, ay handa pa rin sina Kris at ang buong pamilya nila na harapin ang hamong ito sa kanila. Ayon pa sa balita, buong tapang na hinaharap ngayon ni Mrs. Aquino ang kanyang karamdaman at matibay ang pananalig nito sa Diyos. Hinihiling ng pamilya Aquino ang dasal sa aga-rang paggaling ni Mrs. Aquino at ang pang-unawa na gusto nito ng katahimikan habang siya ay nagre-recover. Ayaw namang magbigay ni Kris ng detalye kung anong stage ang kan-ser ng ina. Sasailalim umano si Mrs. Aquino sa chemo therapy para sa mabilis niyang paggaling. * * * FINALLY, nagbukas na ang Bahay ni Kuya nu'ng Linggo ng gabi. Summer ang tema nito at kani-kanyang gimik ang mga teen housemates ng mga kasuotan. In fairness, may mga face value ang karamihan sa mga housemates ngayon, huh? Hindi sila 'yung tipong mga ordinaryong nakikita lang sa mga kantu-kanto. Sa malls naman. Charoz. Bagama't napakaaga pa para magsabi kung sino ang bets for winning or what, may mga nagustuhan na rin kami dahil sa charm at kakaiba nilang dating sa una pa lang. Well, siguradong magbabago pa ang mga choices ng tao sa pagdating ng araw dahil mas makilala pa natin ang mga teen housemates, mas makikita natin ang karakter nila sa loob ng PBB house. Dahil going global na ang PBB, halos karamihan ng teen housemates ay mula sa ibang bansa. Cutie itong si Alex mula sa Italy, Linda na isang half-american, half-pinay. Malakas naman ang dating ni Kevin na mula sa Spain. Gusto rin namin si Nicole, ang chinese girl from Cebu. At bilib din kami kay Priscilla, from Davao. Iba ang kaso ng dalagang ito. May problema siya sa pandinig pero nakakapagsalita siya. She understands other people sa pamamagitan ng lip-reading. Pretty si Priscilla at katunayan nanalo siya sa ilang beauty contest dahil sa angkin niyang talino at ganda. Muli ay pinatunayan ng dalaga na hindi hadlang ang kahit na anong kapansanan ng tao to dream big. * * * ANO ba itong umiikot na usapin na si Valerie Concepcion ang todong pasisikatin ng Dos at hindi si Angel Locsin? Ayy, grabe na ito, huh? Matatandaang super bonga pa naman ang ginawang paglipat ni Angel at kinalaban niya ang lahat, mapabilang lamang siya sa Kapamilya network, di ba? Komento ng ilang fans ni Angel, baka raw hanggang bonggang launching lang si Angel sa Dos, hindi kaya? Sa totoo lang, masu-werte nga si Angel sa Lobo, napakaganda ng proyekto. Kesa naman sa iba naibi-gay 'yun, magpasalamat siya at bongga agad ang break niya. Kung talagang sisikat si Valerie nang husto sa Dos, sa tingin namin ay hindi na ito at the expense of Angel's projects. 'Yon ay dahil magaling at efficient din naman si Val. Source: Taliba |