Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie, masaya sa pagbabati nina Becky at Wilma

Author: Vinia Vivar

KINAGULAT ni Valerie Concepcion ang balitang darating na ang tatay ng kanyang anak para harapin silang mag-ina.

"Saan galing 'yang balitang 'yan?" takang-takang tanong ni Val sa presscon ng bagong product na ine-endorse niya, ang Slenda.

Simula raw nang mabuntis siya noong 2004 at maisilang ang baby niyang si Heather Fiona, hindi na nagpakita ang ama ng bata sa kanya, as in, completely gone.

Hindi naman lingid sa lahat kung sino ang ama ng anak ni Valerie. Pamangkin ito ni Ali Sotto at pinsan ng yumaong si Miko Sotto, ex-BF ni Angel Locsin.

Ayon kay Val, kahit nga raw sina Danica Sotto, matagal nang panahong hindi nakikita ang ama ng kanyang anak. Bigla na lang daw itong nawala.

In fairness naman sa young actress, nakakaya niyang mag-isa nang walang suporta ng ama ng bata. Wala raw problema sa kanya kahit hindi na ito magpakita kailanman as long she has her child.

Pero, sumagi na rin daw sa isipan niya ang tanong na "What if biglang magpakita?"

"Siguro, sana lang, by that time, I'm ready to face him, kasi sa ngayon, aaminin ko po, hindi pa ako ready na makipag-usap sa kanya," sabi ng young actress.

Hindi kaila kay Valerie ang kasalukuyang sitwasyon ng kakuwadra niyang si Jennylyn Mercado (iisa ang manager nila - si Becky Aguila), na dati ay pinagdaanan din niya.

Ang kaibahan lang nila, si Jen, there's Patrick Garcia, na noong una'y handa siyang pangatawanan.

Ayon kay Val, alam niyang tulad niya'y makakaya rin itong lahat ni Jennylyn.

"Parang ang sama ng sasabihin ko, pero ano, eh, kaya naman kahit wala sila (mga lalaki). Hindi, kasi, kumbaga, kung wala ring mangyayari sa inyong dalawa, why would you force yourself?

"I mean, 'yung kalalakihan lang ng bata, hindi magiging maganda. Mas maganda na ngayon pa lang, itigil na nila kung talagang wala nang chance. But if there's a chance, mas maganda kung aayusin. "

Naitanong din namin kay Valerie ang nakaraang pag-aayos ng manager niyang si Becky at GMA-7 exec na si Wilma Galvante. Ayon sa young actress, masayang-masaya siya sa nangyari.

"Kasi alam mo 'yun, mahirap din kasi 'yung may bigat na dinadala. And I'm just so happy na nagkaayos na sila, kasi si Tita Becky, sobrang bait na manager, she deserves to have peace of mind," say ni Val.

Kung siya naman daw ang tatanungin, masayang-masaya rin siya sa ABS-CBN dahil alagang-alaga siya ng network at buhat nang lumipat siya last year, hindi siya pinabayaan ng management.

Samantala, sa presscon ay ipinakita ang TVC ni Val ng Slenda at marami ang nagandahan dito. Ang Slenda ay isang uri ng pampapayat but at the same time, food supplement din ito na naglalaman ng resveratrol, egcg, banaba at turmeric.

* * *

IPINAKITA na ang first kissing scene nina Shaina Magdayao at Piolo Pascual sa Lobo last Thursday. Senyales ito na talagang nag-mature na ang young actress bilang artista at hindi na siya ang dating teeny-bopper na nakikita natin.

Maging sa pag-arte, nagkaroon na rin ng lalim si Shaina. Kung sabagay, bata pa naman ito'y kinakitaan na talaga ng talento sa pag-arte. Kung hindi, hindi naman siya tatagal nang ganito sa industriya.

Samantala, palapit na ang Lobo sa pinakahihintay na transformation scene ni Angel bilang Lyka, kaya huwag bibitiw sa nasabing teleserye.

Source: People's Tonight