|
|
| Valerie nagbunyag ng sikretoAuthor: Leo M. Bukas Alam ng karamihan kung gaano ka-hardworking si Valerie Concepcion, hindi lang sa trabaho kundi pati sa personal niyang buhay. Dahil dito, nagpasiya siyang itong magkaroon ng oras sa exercise para ibalanse ang kanyang lifestyle. Ngayon ay makikitang lalong sumeksi at gumanda ang nasabing aktres at TV host. Nakaisip si Valerie ng isang convenient pero masayang paraan ng dance workout para sa lahat, na hindi kailangang masira ang budget sa pang araw-araw o maubos ang oras para lumabas at mag-ensayo. Ito ang Slendance. Ang Slendance ay isang easy-to-follow na 30-minute workout na may kombinasyon ng ae-robic exercise, coordination, endurance at mental workout na talagang dinisenyo par magawa ang pag-eensayo sa loob mismo ng bahay. Kapag lubos na natutuhan ang Slendance moves, hindi ninyo masasabing parehong kaliwa ang inyong paa at siguradong kayang-kaya na ninyong maki-pagsabayan sa mga social dance gatherings. Grabe. How I wish na nakakasayaw din ako. Ha-ha-ha! Anyway, eto pala ang sikreto ng kanyang pagpayat, huh! Ang suma-yaw ng hip hop, latin at club. Maaaring makabili ng Slendance sa kahit saang record bar at sa Starry Starry Store (ABS-CBN's online store). Para sa karagdagang impormasyon kung paano makatatanggap ng libreng Slendance dvd, bumisita sa www. gonatural. com. ph o di kaya'y text "Slenda", Name, Add, B-day, E-mail at ipadala sa 09209192929. Eh, how about love life? Kelan ba aaminin ni Valerie ang kanyang secret guy? * * * Isa na namang panibago at dapat abangang mini series tungkol sa love and friendship ang tampok sa Your Song ngayong August. Mula sa controversial teen pregnancy, gay love, married couples at ang kakatapos lamang na unique love story, narito naman istorya ng pag-ibig na pinamagatang Imposible. Hango ito sa a-witin ni KC Concepcion. Bida rito sina Empress Schuck, Lauren Young, AJ Perez at Dino Imperial. Mga Star Magic talents sila na nagbida na rin sa Lovespell at Abt Ur Luv: Ur Lyf 2. Huling napanood si Dino sa Volta at Prinsesa ng Banyera. Si AJ naman ay sa Lobo kasama ni Laureen Young. Suki naman si Empress ng Maalaala Mo Kaya. * * * Mapapanood na ang mga eksena ng My Girl sa Baguio. Nagsama-sama ang buong tropa sa City of Pines na sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Enchong Dee, Alex Gonzaga, David Chua, Regine Angeles at Niña Jose para sa ilang mahahalagang eksena doon. Ano kaya ang magaganap sa eksena kina Kim at Gerald? Hindi rin magpapahuli si Enchong na hindi pa rin sumusuko sa kanyang pag-ibig kay Kim. At sa lalong umiinit na tagpo sa My Girl, ano na kayang mangyayari nga-yong alam na ni Lolo Greg ang katotohanan tungkol sa tunay na apo? Paano tatanggapin ng lahat ang tunay na Hannah na nakilala na rin ni Lolo Greg? Huwag palampasin ang special scenes ng My Girl sa Baguio. At ang lalo pang nakakapanabik na tagpo sa teleserye. Napapanood ang My Girl gabi-gabi, pagkatapos ng Iisa Pa Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida. Source: Taliba |