|
|
| Valerie, na-stranded sa Cagayan de OroAuthor: Vinia Vivar Nakatanggap kami ng text message mula sa manager ni Valerie Concepcion na si Becky Aguila para ipaalam na stranded ang young actress sa Cagayan de Oro kahapon due to bad weather. Dapat sana'y kahapon ang balik niya pa-Manila, pero nakansela ang flights dahil sa sama ng panahon doon. Hindi tuloy nakasipot ang young actress sa kanyang daily noontime show at pati ang taping para sa guesting sa Sharon, apektado. Kung maganda na ang panahon ngayo'y baka makabalik na si Val. Pumunta ang young actress sa Cagayan de Oro para sa Surf plug. Lungkot na lungkot si Val dahil kinailangan pa niyang mag-absent sa noontime show, gayundin sa Sharon guesting. Excited pa naman daw siya dahil siyempre, makakasama niya ru'n si Sharon Cuneta. Source: People's Tonight |