Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie, naungusan si Angel

Valerie, naungusan si Angel

Author: Vinia Vivar

FOUR years na pala sa korte ang annulment case nina Vhong Navarro and Bianca Lapus at hindi rin alam ng una kung bakit hanggang ngayon ay hindi ito matapus-tapos.

"Kaya ngayon talaga, as much as possible, ayoko na talagang magsalita. Kasi, baka isa 'yun sa mga dahilan kung bakit nagtatagal, eh," sabi ni Vhong sa presscon ng Supah Papalicious, latest film niya under Star Cinema with Makisig Morales and Valerie Concepcion to be shown on March 22.

Kahit nga raw alam niyang nagsasawa na siguro ang tao sa hindi niya pagsasalita about his lovelife at kung bakit hanggang ngayo'y hindi pa rin niya mailantad ang girlfriend, ito raw ang kinakailangan nang sa gayun ay ma-grant na ang kanyang petisyon na ma-annul ang kanilang kasal ng dating asawa.

"Ang gusto lang naman kasi namin dito ni Bianca ay 'yung freedom namin parehas. Alam natin, siyempre, siya, may sarili na siyang pamilya ngayon, may bago na siyang baby. 'Yun lang naman 'yun, eh.

"So, kung maga-grant 'yung annulment, at least pareho na kaming free. "

"Oo naman" ang sagot ni Vhong when asked kung may balak pa siyang magpakasal ulit.

Pero, dinugtungan naman niyang hindi right away ay magpapakasal na siya sakaling makuha ang annulment.

"Siguro, five years pa at saka ako magpapakasal ulit," say pa niya.

Kung may babae nang naghihintay at liligaya kapag nakuha niya ito, 'yan ang hindi masagot ni Vhong dahil sabi nga niya, baka makaapekto pa ito sa kaso.

Sa ngayon ay si Valerie ang nali-link sa komedyante since may movie sila together. May tsismis na niligawan ni Vhong si Val during the filming at itinanggi naman nila itong pareho.

"Sino ba namang lalaki ang hindi magkakainteres na ligawan si Valerie, pero ang dami ko kasing karibal sa kanya at ang tatangkad pa," pambubuking ni Vhong.

"At saka kay Valerie na rin natin narinig na hindi pa siya ready, so pangit namang pilitin natin ang isang magandang dilag kung hindi pa siya ready," dagdag pa ng komedyante.

* * *

KUNG si Valerie naman ang tatanungin, nag-enjoy daw siya nang husto habang ginagawa ang Supah Papalicious dahil na rin sa napakasayang kasama ang kanyang leading man.

Tulad ng ibang girls, ang malakas na sense of humor daw ni Vhong ang gustung-gusto ni Val sa kapareha.

"Eh alam n'yo naman ako, bungisngis, kaya attracted talaga ako sa mga lalaking malakas ang sense of humor," sabi ng young actress-TV host.

Pero, hindi na raw lumawig pa ang atraksyon na nararamdaman nila sa isa't isa dahil unang-una, ani Val, ang mindset niya ngayon ay wala sa love, kundi sa work.

"Mas priority ko syempre ang trabaho more than anything else, kaya mahirap sa akin ang ma-in-love right now, especially na second chance ko ito.

"Nagpapasalamat nga ako sa ABS-CBN for giving me the opportunity at sa pag-aalagang ibinibigay nila sa akin," sabi pa niya.

Somebody asked kung ano ang masasabi niya na nauna pa siyang magkaroon ng pelikula sa Star Cinema kesa kay Angel Locsin at ayon sa aktres, huwag sana silang i-compare.

"Wala pong comparison, kasi alam ko rin namang may mga nakahandang project din para sa kanya. And basta ako po, super happy sa mga ibinibigay sa akin ng ABS-CBN, lalo na sa chance na maging lead sa isang pelikula. "

Source: People's Tonight