Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie, no-show sa parada

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

MERRY Chrismas po sa inyong lahat!

Ngayong araw na ito ang opening day ng anim sa siyam na pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival namely Resiklo, Enteng Kabisote 4, Shake Rattle and Roll 9, Kasal, Kasali, Kasalo, Bahay Kubo and Katas ng Saudi.

Ang tatlo pang natitira na Desperadas, Anak ng Kumander at Banal ay sa Jan. 1, 2008 naman ipalalabas.

This early, hinuhulaang mahigpit ang labanan lalo na nga sa dalawang fantasy films na EK4 at Resiklo. Tatlo naman ang naglalaban-laban sa dramedy genre at ito ay ang Bahay Kubo, Katas ng Saudi at SSS.

Masuwerte naman ang SRR9 dahil nag-iisa itong horror film na kasali sa MMFF.
Siyempre, ang no. 1 slot ang pinakaaabangan ng lahat, na last year ay pinag-agawan ng EK3 at KKK, na ngayon ay EK4 at SSS na.

Makuha kaya nilang muli ang korona ngayong taon? Well, that remains to be seen.

* * *

INAAKUSAHANG unprofessional si Valerie Concepcion dahil hindi siya nakasipot sa premiere night ng movie nila ni Manny Pacquiao dahil may taping ito ng That's My Doc nang gabing 'yun.

Hindi rin siya nakasama sa MMFF parade kahapon dahil nasa Cebu siya upon the invitation of the Gaizano family.

Deadma na lang si Valerie sa akusasyong unprofessional siya dahil matagal nang naka-schedule ang mga trabahong ito at mas unprofessional naman kung hindi niya sisiputin.

Besides, pagkatapos nga naman ng pinagsasasabi against her ng direktor na si Kaka Balagtas, magiging kumportable pa ba ang young actress na sumama sa promo?

* * *

Vic Sotto and Pia Guanio are taking time out mula sa kanilang trabaho ngayong holiday season. Out of the country ang destinasyon nila at kung saang bansa, 'yun ang hindi na nila sinabi.

Ayon kay Vic, taun-taon naman talaga ay nagbabakasyon sila ni Pia dahil ito lamang ang time para magkaroon sila ng kaunting privacy at tuloy ay makapagpahinga na rin, lalo na nga raw si Pia, na araw-araw ay may Eat Bulaga sa tanghali, may 24 Oras pa sa gabi.

Ilang araw lang naman daw ang bakasyon nila at dito na sila magba-Bagong Taon.

Source: People's Tonight