|
|
| Valerie, payag maging kabit ni Manuel?![]() Author: Abante SINA Valerie Concepcion at Manuel Chua ang magka-partner sa show na Precious Hearts Romances presents Bud Brothers (He's The One). Sabi ni Manuel, natakot siya sa simula nung malaman niya na si Valerie ang ipa-partner sa kanya. Pero, dahil tinulungan daw siya ni Valerie sa mga eksena nila, lalo na sa kissing scene, naging madali raw ang lahat. “Masayang katrabaho si Valerie. Mabait at tinulungan niya ako kung paano atakihin ang role ko. Mas matagal na siya sa industriya, kaya mas marami na siyang alam. Pero, naging comfortable rin ako with her, dahil nga tinulungan niya ako. “Kaya nga minsan naglolokohan na lang kami pagdating sa mga kissing at love scenes namin,” sabi ni Manuel. Sa kuwento, inaakit ni Manuel ang supladang si Valerie. At ginagawa niya ang lahat para ma-seduce si Valerie. Sa parte ni Valerie, sinigurado raw niya na maganda ang rapport nila ni Manuel, kaya madalas niya itong i-text, para maging komportable ito sa kanya. “Hindi ko alam kung natatakot ba si Manuel sa akin o baka nai-intimidate siya. Kinakamusta ko siya, tinatanong kung handa na ba siya sa mga eksena namin. Niloloko ko pa nga siya na mag-toothbrush na kasi may kissing scene kami,” natatawang kwento ni Valerie. Tinanong ang dalawa kung may posibilidad ba na maging 'more than friends' ang samahan nila. “Mabait si Valerie, maganda at enjoy katrabaho. Qualities na hinahanap ko sa isang babae,” sagot ni Manuel. “Maalaga si Manuel at lagi niya kong tinatanong kung okay lang ako pag may eksena kami,” sagot naman ni Valerie. Teka, ang alam ko ay may asawa at anak na si Manuel. Nangangahulugan ba `yon na payag maging kabit si Valerie kay Manuel? Well, baka naman promo lang ito ng show nila, para mas mapag-usapan. Bukas sa Kay Susan Tayo, ang mga kuwento tungkol sa beach hotties, ice cream, at mga pakulo ang hatid ni Susan Enriquez. Sina JC Tiuseco at Rufami ay pinagtagpo ng tadhana sa lalawigan ng Batangas! At sa 'di inaasahang pagkakataon, na-stranded sila sa dalawang world-class resort sa probinsya, ang Blue Coral Resort at Acuatico Resort! Dahil napakaromantiko ng lugar at dadalawa lamang silang naiwan, maiiwasan pa kaya ng binata ang mga pasaring ng dalaga? Abangan! Papasukin din ni Susan Enriquez ang isang pabrika sa loob ng isang mall. Pero huwag mag-alala dahil wala namang anomalya sa naturang lugar. Actually, si Susan ay pupunta sa Gift Factory kung saan samu't saring bagay ang maaaring bilhin at ibigay sa mga mahal sa buhay. Source: Abante |