Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie pinagseselosan si Rufa Mae

Author: Joeferd Nievera
Column: Sagap

SELOS na selos daw ngayon si Valerie Concepcion kay Rufa Mae Quinto dahil kay Jon Avila.

Kung hindi raw dahil sa sexy actress/comedienne ay malamang pinagpatuloy sana ng actor ang panliligaw sana nito sa co-host ng Wowowee.

Kaya sa pagkakaudlot ng panliligaw sa kanya ni Jon kaya masamang-masama ang loob ni Val kay Rufa Mae.

Crush na crush pa naman daw nito ang ex-PBB kaya very open siyang ligawan nito.

Dahil sa bagong pagsasamahang pelikula nina Rufa Mae at Jon kaya nagka-developan ang mga ito.

Masyadong nadala raw ang actor sa pagiging charming ng boobsinang aktres.

Sa ngayon ay sarado na ng pintuan ng puso ni Rufa Mae para sa mga manliligaw na foreigner na guys matapos silang maghiwalay ni Bobby Lopez na isang Mexican/American.

Mas type na raw nito ang mga lalaking may halong foreign blood at Pinoy blood gaya ni Jon.

* * *

HANGGANG ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Rufa Mae hinggil sa sex video nila ni Dr. Hayden Kho.

Tila wala nang balak ang sexy actress/comedienne na makisawsaw pa sa hiwalay nina Dra. Vicki Belo at Hayden kaya mas minarapat nitong tumahimik.

Unlike Katrina Halili na talagang inamin ang naging relasyon kay Dr. Kho matapos isawalat ng doctor/actor sa national television na may panandalian silang relasyon ni Kat.

Sinabi naman ng dating sexiest woman ng FHM na pinagsisihan niya ang relasyon kay Hayden.

Dahil sa pagiging totoo ni Kat kaya pinatawad siya ni Vicki na ngayon ay tila nag-iiba na ang pananaw sa hiwalayan nila ni Hayden.

Kung noon ay galit na galit ito sa doctor na boyfriend ngayon ay sinabing ginagawa ng ordinaryong lalaki ang pagkakaroon ng sex video sa iba't ibang babae.

Hindi, ah, gawain lang ito ng manyak!

Kaya sa salitang ito ni Dra. Belo ay parang may naaamoy ang tao sa showbiz na may balikang mang-yayari sa kanilang dalawa.

Sa pagbulalas naman ni Hayden ng sama ng lob kay Vicki sa Startalk ay tila lumalabas na gawa-gawa lang ng celebrity doctor ang sex video na pinagmulan ng hiwalayan nila ng boyfriend.

* * *

KAMI ang napiling isa sa hurado ng nakaraang "Paskuhan sa Barangay" ni Brgy. Bagong Pag-asa Kagawad Matutina, Evelyn Guerrero sa tunay na buhay.

Ang proyektong ito ni Kagawad Matutina katuwang si QC majority floorleader Atty. Ariel Inton ay pagandahan ang mga residente ng Christmas décor sa kanilang mga bahay.

Puro magaganda ang dekorasyon ng mga kasaling residente ng Bagong Pag-asa kaya nahirapan kami ng mga kasamahang hurado na sina VP ng Famas/columnist Junne Quintana at Mr. Jerry Brazil, pangulo ng Lupon ng Tagapamayapa ng Brgy. Bagong Pag-asa.

Pero sa kabuan ay nanalo ng first prize si Mrs. Erlinda Dulay na nag-uwi ng P5,000 premyo.

Sa pagmamahal ni Atty. Inton sa mga taga-Brgy. Bagong Pag-asa ay hindi siya nagdalawang-isip na maging sponsor sa nasabing proyekto nang ilapit sa kanya ni Kagawad Matu.

Oo agad ang QC councilor at agad na ipinag-utos sa mga tauhan na alalayan ang numero unang barangay kagawad ng Brgy. Bagong Pag-asa sa kanyang makabuluhang proyekto.

Source: Taliba