|
|
| Valerie pinalitan si Gabby bilang endorser![]() Author: Chan-Chan Torres Kilig-kiligan ang lahat sa naging sagot ni Sam Milby na sa tingin niya ay "yummier" na ngayon si Bea Alonzo. Nakausap namin si Sam sa solo presscon niya kama-kailan at hindi maitago ng aktor ang excitement sa pagsasama nila ni Bea sa And I Love You So with Derek Ramsay under Star Cinema. Naglalabasan na ang mga seksing larawan ni Bea and take note, naka-two-piece bikini pa siya, huh. Nabalitaan naming nila-gang saging at nilagang itlog na lang daw ngayon ang kinakain ng aktres that's why she was able to achieve that wow-figure. Ayaw ni Sam na i-rate ang kaseksihan ni Bea from a scale of 1-10, kahit anong pilit ng mga naroon. Pero nu'ng tanungin kung yummy o yummier ba si Bea sa kanyang paningin? "Siyempre yummier," walang kaabug-abog na bulalas ni Sam. Ito naman ang kinabiliban ni Sam kung kaya hindi man nito diretsahang sabihin, kitang-kita sa mata ng aktor ang paghanga niya kay Bea. Tinanong din si Sam kung ano ang tila meron siya't napapapayag ang aktres na magpa-seksi, bukod pa sa may love scene din sila sa pelikulang ito, huh. "I think hindi naman dahil sa akin kaya niya ito ginawa, no. It's because, gusto rin niya (Bea) mag-evolve as an actress, gusto rin niyang mag-try ng ibang character. She wants to mature as an actress," sabi ni Sam. Dahil sa chikang nagka-kamabutihan na sila ni Bea, nawala na rin ang pag-asa ng ilan na puwede pa silang magkabalikan ni Anne Curtis. Hanggang ngayon, muk-hang hindi pa rin tinutuldukan ni Anne ang nakaraan nila ni Sam. Aware naman daw si Sam sa damdaming ito ni Anne, pero para sa aktor, sadyang hanggang dito na lang sila ni Anne. Muli, tinanong namin ang aktor kung nagkaroon ba ng closure sa kanila ni Anne dahil tila may himig ng pag-asa ang tono ng pananalita ng aktres. Kinumpirma ni Sam na nagkaroon na ng bonggang closure sa pagitan nila ni Anne. So, kung magsimula man ng panibagong chapter si Sam with Bea, he could do so kasi wala nang loose ends sa kanila ni Anne. * * * Si Valerie Concepcion na ang magiging endorser ng Lucida-DS, ayon pa sa may-ari nitong si Maridel Galindez. Sa tanong kay Ms. Galindez, what does it take to be an endorser gaya ng produkto like Lucida-DS na may sabong pampaputi, bita-mina at iba pang mga pro-duktong kailangang ibenta sa merkado? "Well, first, they have to believe in the product. 'Yan talaga ang una, ibig sabihin, nasubukan mo na. 'Yung ipaglalaban mo ang produkto kasi nasubukan mo na. " Sa ngayon, pinapasubukan daw muna ng team ng Lucida-DS ang mga produkto nila kay Valerie bago nila hingin ang final say ng aktres kung tuluyan na ba itong magiging endorser nila. "I want to hear kasi na 'pag nag-launch tayo, eh, bukal sa loob mo ang sina-sabi at hindi 'yung tinuro lang. Meron kasing ganoon eh, na nagsasalita na hindi bukal sa loob, makikita mo rin, eh. Pero 'yung talagang spontaneous na magsalita dahil na try mo, mas okey 'di ba?" katwiran ng owner ng Lucida-DS. Bakit, may endorser ba silang hindi naging sincere sa pagi-endorso ng kanilang produkto? Naging kontrobersyal din for a while ang Lucida-DS, naging maugong ang usapin na ito noon dahil na rin kay Gabby Concepcion na eventually ay naging endorser na rin nila. Kinumusta namin ang relasyon nila ngayon kay Gabby? "Well, si Gabby naman we'd call and say, how are you, kumustahan. Ganoon siya talaga. In fact, may-iba rin yatang kumukuha sa kanya, na gluta-something din daw. That's what I heard, huh. " So, wala nang connection si Gabby sa Lucida-DS, ganoon? Sinabi rin ni Mam Galindez, hindi naman daw kai-langang mestisahin ang magiging endorser ng Lucida-DS. * * * Gusto naming batiin ang mga kapatid namin sa panulat na kasabay naming nagdiriwang ng kaarawan ngayon buwan ng July. Sina Regee Bonoan, Mercy Lejarde, Julie Bonifacio, Ricky Calderon, Roland Lerum at Leo Bukas. Isang masayang kaarawan sa ating lahat. Source: Taliba |