Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie, tinalakan ni 'Jinkee' sa text!

Valerie, tinalakan ni 'Jinkee' sa text!

Author: Vinia Vivar
Column: Hot 'n Spicy

Na-shock si Valerie Concepcion sa natanggap na text message noong Dec. 3 mula sa isang nagpakilalang "Jinkee Pacquiao. "

Heto ang nakasaad sa mensahe: "This is Jinkee Pacquiao. I saw you on TV with my husband in a kissing scene. How sweet! Ito lang ang masasabi ko, kung isa ka rin sa may balak na manira at sisirain pamilya ko, hindi kita uurungan o kaya gusto mo, puntahan kita sa Wowowee at ipagsigawan ang kalandian mo. Balita ko, naghahanap ka ng bahay. So, pera ba ang kailangan mo? Subukan mo mga binabalak mo, lalabanan kita. "

Bagama't nagulat, ayaw munang paniwalaan ni Val na sa asawa nga ni Manny Pacquiao galing ang mensahe.

Madali naman kasing mag-text sa isang tao at magpakilala bilang ibang tao.

Pero, gustong linawin ni Valerie na wala silang relasyon ni Pacman at wala siyang intensyon na sirain ang magandang pamilya nito.

Magkasama lang daw sila sa pelikula at nagkataon na may kissing scene sila.

Maging ang manager ni Valerie na si Becky Aguila ay hindi rin naniniwalang si Jinkee ang nagpadala ng mensahe.

Matagal na rin niyang klinaro na wala namang namamagitan between her talent and Manny dahil hindi ganu'ng klaseng tao ang kanyang alaga.

"Tungkol du'n sa binibiling bahay ni Valerie, after all the hard work, she deserves it. Mabait at masipag na bata si Val, very professional at mahal niya ang kanyang trabaho.

"Matagal na silang nagre-rent lang sa isang maliit na apartment at matagal na rin niyang gustong maibili ng bahay ang pamilya niya, lalo na ngayong may anak na siya.

"Ngayong maganda naman ang career niya at may regular income siya, I think walang masama sa hangarin ng tao, galing naman sa sarili niyang pawis 'yun," pahayag ng manager.

Samantala, dahil may pelikula nga sina Pacman at Valerie kasama si Ara Mina, gusto naming isipin na parte lang ng promo ang text message na natanggap ng young actress para umingay ang movie.

But at Jinkee's expense? Parang hindi naman yata fair 'yon.

Anyway, bukas ang aming kolum para sa panig ni Jinkee.

* * *

Inip na inip na ang fans ni Sarah Geronimo kung kailan ba finally may ipakikilalang boyfriend ang kanilang idolo.

Siyempre, gusto rin naman ng fans na kinikilig sila sa lovelife ng singer-actress but sadly, mukhang wala pa talaga ito sa isip ng dalaga.

Marami ang nag-iilusyon kay Sarah. Pero mukhang hanggang ilusyon na lang muna ang boys dahil iba ang priorites ni Sarah.

Mas concentrated siya sa trabaho niya �" concerts and TV shows, particularly ASAP and Pangarap Na Bituin, na malapit nang magtapos sa ere.

Sa pagtatapos ng PNB, masaya si Sarah dahil nananatiling mataas ang ratings ng teleserye nila ni Jericho Rosales, Maja Salvador, Rica Peralejo and JayR Siaboc.

Masaya rin ang dalaga na marami ang nakapansin ng improvement niya sa acting and wishing na makatanggap siya ng recognition sa departamentong ito.

Marami-rami na rin naman kasi siyang natanggap na award and recognition as a singer at siguro ito na ang tamang panahon para naman sa acting department siya mapansin.

"Naku, sana nga po. Pero hindi na ako nag-i-expect. Kung mapapansin, siyempre po, matutuwa ako," say ni Sarah.

Source: People's Tonight