Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie tinalbugan si Marian

Valerie tinalbugan si Marian

Author: Tonee Coraza
Column: Whatever

Puno ang Gateway Cinema 2 nang manood kami ng A Very Special Love noong Sabado ng hapon. And now we know what's the fuss is all about! Nakaka-touch ang pelikula at maaantig ang puso mo sa character ni John Lloyd Cruz na punumpuno ng pain ang puso (dahil anak lang siya sa labas ng ama niya) na napakahirap para sa kanya ang magmahal ng iba.

Your heart will also go for the character of Sarah Geronimo na ginawa na ang lahat para lang mapaibig ang matagal na niyang pinapangarap na boss niya para lang mapagsarhan ng pintuan sa bandang huli dahil sa nararamdamang self-pity ni Lloydi sa sarili nito.

Kung ilang beses ka-ming pinaluha ng movie ay ganoon din karaming beses kaming pinakilig ng mga cute na eksena nina John Lloyd at Sarah lalo na doon sa mga eksenang ina-lagaan ni Sarah si Lloydi habang may sakit ito at nang mag-videoke ang buong staff at panay ang tingin nang makahulugan ni JL kay Sarah habang kumakanta ng Kailan ng Smokey Mountain.

Nasopresa kami sa ga-ling ni Sarah na umarte. She is a natural at pumasa siya 101% bilang isang female lead ng isang pelikula. Same goes with John Lloyd na napatunayang kaya niyang magdala ng pelikula kahit wala ang ka-loveteam niyang si Bea Alonzo.

Sa totoo lang, A Very Special Love is a big, big hit. Apat ang sinehan na pinaglalabasan nito sa Gateway Mall, Cubao at nakipagsabayan ito nang husto sa Hollywood blocbuster na The Mummy na apat din ang sineng palabas sa Gateway.

* * *

Aba, natalbugan ni Valerie Concepcion si Marian Rivera dahil nakapaglabas ito ng sariling dance instructional video na Slendance" na tie-up sa slimming pill na Slenda.

From 116 lbs. , ngayon ay 108 lbs. na lang si Valerie. 34-25-36 na ang kanyang figure ngayon. Thanks to Slenda at sa pagsasayaw niya ng Slendance araw-araw just for 30 minutes.

May choice ka ng hip-hop, latin at club dance sa Slendance instructional video na napakadali lang sundan ang mga steps at puwede niyo itong gawin sa sarili niyong mga bahay. Ni hindi na niyo kailangan pang pumunta sa gym para mag-workout.

Pinabulaan ni Valerie ang tsismis na hindi na raw siya kasama sa pelikulang One Night Only dahil ayaw nilang suportahan nina Roxanne Ginoo at Angelica Pa-nganiban ang bida ng Octoarts MMFF entry na si Katrina Halili.

Sa September nga raw ay magsisimula na silang i-shoot ang movie.

Regular co-host pa rin siya sa Wowowee at naka-standby pa rin ang forthcoming gag show nila na Banana Split. May ginawa rin siyang weekly romantic sitcom with TJ Trinidad sa TV5 (dating ABC5).

Hindi raw totoong bi-nabawalan sila ni Papi Willie Revillame na magkaroon ng boyfriend.

Sa katunayan may nanliligaw sa kanya nga-yon na isang TFC subscriber na isang financial analyst sa isang company sa Australia.

May nagpapahaging din na basketball player pero wala siyang artistang suitors.

* * *

Kahit inisnab na siya ng idolo niyang si Marian Ri-vera nang minsang nagtangka siyang magpakuha ng litrato dito sa loob ng GMA compound ay patuloy pa ring minamahal ni Robert Solomon (kapatid ni Chariz Solomon at member ng Dance Squad Singers) si Dyesebel.

Sa katunayan, nag-compose pa siya ng isang kanta para kay Marian titled Totoo na kasama sa second album nila na labas na ngayon sa lahat ng record stores sa buong kapuluan.

Mas mature at mas RnB ang dating ng kanilang second album dahil siguro nagma-mature at nag-iiba na rin ang boses ng members ng DSS.

Two new members joined the group namely JR De Guzman (15) and JB Eugenio (16). Sa totoo lang, puro guwapings ang 7 members ng DSS kaya naman may sarili silang hukbo ng fans na lagi silag sinusundan at tinitilian kahit saan sila magpunta kasama na dito ang katotong Rommel Placenta na super crush si JR!

Regular silang napapanood sa Master Showman ni Kuya Germs. At suki rin sila sa mga shows sa SM Malls. Mina-manage sila ng katotong John Fontanilla (09172701629).

Source: Taliba