Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie type si John Lloyd

Valerie type si John Lloyd

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

How true itong nabalita-an namin na maraming fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang galit na galit ngayon kay Snooky Serna? Ito ay dahil sa sinabi umano ng kontrobersyal na aktres sa show ni Mo Twis-ter na si Gerald ang pina-kaplastik na artista at hambog na aktor pa.

Talagang may ganoon?

Eh, siyempre, nag-react naman agad ang fans partikular na ni Gerald at super ipinagtanggol ang idolo nila, noh!

Maging si Gerald ay sinabing hindi niya alam kung bakit nakapagsalita si Snooky ng ganoon laban sa kanya. Hindi naman daw siya lubusan na kila-la ng aktres.

Nu'ng tinanong namin si Gerald sa presscon ng Love Spell, sinabi ng mestisong binata na wala si-yang ginagawang masa-ma kay Snooky. Then again, nag-sorry pa rin si Gerald kay Snooky.

Aniya, kung may nagawa raw siya na hindi ikinatuwa ni Snooky o para sabihin na plastic siya ay humihingi siya (Gerald) ng pasensya.

Halatang nalungkot si Gerald sa isyung ito. Hin-di niya siguro akalain na ang isang batang aktor na tulad niya ay papatulan ni Snooky!

Maging kami ay nagulat din nu'ng marinig ang balitang ito. Isipin n'yo, ang isang matatawag na ngang beterana kumpara kina Gerald at Kim ay pumatol pa sa bagets para lang mapansin?

The haaayyytt!

Mabuti na lang at hindi matalak si Gerald. Kahit laking Amerika ay hindi si-ya ang tipong nang-ookray lalo na 'pag na-sa katwiran. Pinapairal pa rin ng binata ang mabuting asal at paggalang sa mata-tanda.

Nakawiwindang si Snooky. Kung anu-ano na lang ang pi-naggagagawa para lang ma-pag-usapan, huh?

Gusto niyang kumuha ng simpatya at the expense of others.

Panoorin na lang kaya ni Snooky ang Love Spell sa Sunday, baka siya pa ang maging fairy god-ninang ni Gerald.

Ganoon?

* * *
Si John Lloyd Cruz muna ang pansamantalang pumalit kay Willie Revillame nang bigla na lang umabsent si Papie sa Wowowee the other day.

Nalaman namin na nakaramdam daw ng pana-nakit ng tummy si Willie at kinailangan na nitong isu-god sa ospital.

Sa St. Luke's Medical Center dinala si Papie dahil sa sobrang pananakit ng kanyang tiyan because of ulcer.

Matapos sumailalim sa ilang series of tests si Willie ay back to work na ulit siya sa noontime show niya. Pero siyempre, kon-ting ingat pa rin ayon sa kanyang mga doktor.

Keri naman ni Lloydie ang hosting job niya sa Wowowee in fairness. At 'wag na kayong magtaka kung may mamuong love-team sa kanila ni Valerie Concepcion kung laging si John Lloyd ang humalili as in, sub ni Willie, huh?

Ibinuking lang naman ni Pokie, on air na type ni Val si Lloydie. Well, wala namang masama sa crush, eh.

* * *
Gusto namin ang aura ni Marian Rivera ngayon.

In fairness, artista na talaga ang dating niya at hindi na siya 'yung dating mukhang nanay, huh?

Malaki na nga ang improvement ni Marian lalo na sa MariMar (ng GMA 7) at may ini-endorse na rin siyang produkto. Halatang si Marian na ang pinu-push ng network na maging next big star nila, huh!

Kung deserving ba naman ang dalaga, bakit hindi? Basta't hindi lang siya magmaldita at huwag lumaki ang ulo ay tiyak na aalagaan siya nang husto ng Siyete.

Ang ganda niya sa commercial ng Maxi-Peel. Hindi siya nagpatalbog kay Kristine Hermosa, huh!

No wonder, may mga chikang nagpapalipad- hangin umano si Dingdong Dantes sa kanya.

Hindi siguro ma-resist ni Dingdong ang charm ni MariMar!

Ito rin kaya ang dahilan kung bakit biglang nagpapa-sexy ngayon si Karylle (girlfriend ni Dingdong) na dati'y balot na balot kung manamit?

Nai-insecure kaya si Karylle sa kaseksihan ni Ma-rian kung kaya nagdesis-yon na rin siya na magbago ng image?

For a change nga naman, noh?

Nagtatanong lang po.

Source: Taliba