Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Valerie umamin, may 'pag-asa' sa kanya si Pacman

Author: Chan-Chan Torres
Column: Eksenadora

Aminado si John Lloyd Cruz na totoong may mga taong nami-misinterpret ang pagiging diretso niyang magsalita.

Sa presscon ng Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik, sinabi ni Lloydie na may mga taong ayaw din sa kanya dahil sa pagiging totoo niya sa pagbibigay ng komento.

Pero, wala raw siyang magagawa kundi respe-tuhin ang opinyon ng mga taong ito. Ayon pa kay JLC, hindi raw niya puwedeng ipilit ang sarili sa mga taong ayaw sa kanya.

From the success of One More Chance, comes another beautiful masterpiece na kailangang tutukan ng viewers.

Ipinagmamalaki si Lloydie ng mga kasama-han niyang artista, lalo na ni Phillip Salvador. Super-flattered naman ang binata sa sinabi ni Kuya Ipe na: "John Lloyd is a great actor. Mas matanda pa sa amin (sa pag-arte) kahit batam-bata pa siya. He's very dedicated sa trabaho. "

Bago pa magsimula ang presscon, nakatuwaan namin sa table namin ang tanungan portion na kung may taong minahal siya (Lloyd) na bagay ang kantang Maging Sino Ka Man,at sino ang taong ito?

Eh, nu'ng magsimula na ang presscon ay ito ang itinanong ng isa sa aming mga katabi kay Lloydie. Ayon sa aktor, meron na rin daw siyang minahal in that manner na 'Maging Sino Ka Man' ay minahal niya ang girl na ito.

Pati sa konteksto ng pag-ibig na sa ganoong pa-raan ay may minahal na rin daw siayng ganoon.

Talbog!

Abangan ang isa sa mga well- loved na tele-serye ng Dos. sa Dec. 10 na.

* * *

Ipinagmamalaki ni Senador Bong Revilla ang Resiklo (official entry ng Imus Productions sa Filmfest), big budgeted as usual ang pelikula at alam niyo naman 'pag si Sen. Bong, may social relevance ito, 'ika nga.

Ayon pa sa butihing Se-nador, kaya raw Resiklo ang namesung ng proyekto, dahil ito ang pangalan ng robot. At gawa sa recycled material uumano ang robot dito.

Nu'ng tanungin si Sen. Bong kung umaasa ba umano siya ng award sa para sa pelikulang ito? Agad niyang sinabi ay ginawa lang daw sniya ang pelikuklang ito. Maghihintay na lang daw siya kung bibigyan siya ng karampatang pagkilala.

Emosyonal ding ibinahagi ni Senador Bong ang pinag-uusapang pagbaba-ti nila ni Pangulong Erap Estrada kamakailan.

"Kung meron mang ba-gay-bagay na matagal ko nang gustong maayos,ito ay ang nangyari sa amin ni Pa-ngulong Erap. "

Sa Cirkulo (isang res-tawran) daw nangyarari ang lahat at nang duma-ting si Sen. Bong ay nag-taka siyang marami nang tao, sinabi raw ng mga manaroon na nandoon na si Pangulong Erap.

Nu'ng una ay kinaba-han daw si Sen. Bong. Lumapit daw siya sa bestfriends niyang sina Sen. Jinggoy Estrada at Rudy Fernandez.

Tinatawan-tawanan daw siya ni Sen. Jinggoy. Halatang kabado raw si Sen. Bong.

Si Daboy daw ang nagsama kay Sen. Bong pala-pit kay Pangulong Erap at doon ay nag-usap ang mag-ninong.

"Para akong nabunutan ng sibak!" malumanay, pero punumpuno ng emosyon pang sabi ni Sen. Bong.

Anyway, kasama sa Resiklo ang magagaling na artista ng dalawang giant networks na sina Jennylyn Mercado, Dingdong Dan-tes, Bobby Andrews, TJ Tri-nidad, Paolo Contis, Jolo Revilla, Bryan Revilla, Benjie Paras.

Abangan ito sa Film fest ngayong Pasko!

* * *

Natatawa lang si Valerie Concepcion sa intriga sa kanila ni Manny Pacquiao. Big 'no' raw talaga ito.

Ayon pa sa co-host ng Wowowee, hindi raw siya pumapatol sa may asawa lalo pa't happily married ang taong involved.

Nakahihiya raw kay Pacman. Magkasama sila sa pelikulang Anak ng Kumander na produced din ng world boxing champ. Kaya pala sila natitsismis.

Tinanong namin si Val kung saan nagsimula ang intrigang ito. Siguro raw ay dahil tapos nang ma-link sina Ara Mina at Manny, kaya siya naman ang ini-in-triga ng mga taong walang magawa.

Muli ay tinanong namin si Val na kung hiwalay sa asawa , may chance ba na ma-attract siya kay Pacman? Baka ito raw ay maramdaman niya 'pag single na si Manny. Realistic daw si Valerie at puwede raw sa kanya si Pacman.

Pero, muli ay inuulit ng magandang TV host na hin-di siya pumapatol sa lalaking may asawa.

Source: Taliba