|
|
| Vandolph: Wala akong kotseng blue at barilAuthor: Noel Asiñas UMALMA ang kampo ni Vandolph tungkol sa issue na isinasangkot ang pa-ngalan niya sa isang insidente sa parking area ng Quezon City Trial Court building. Nagpalabas agad ng statement ang manager ni Vandolph na si Nene Riego na walang kinalaman si Vandolph sa carpark altercation ng isang kotse at motorsiklo. Ayon kay Nene, unang-una ay walang kulay blue na kotse si Vandolph; panga-lawa, never nagmay-ari ng baril ang anak nina Alma Moreno at Dolphy; pa-ngatlo, maaaring ang nakita ng driver ng motorsilo ay kahawig lang ni Vandolph. "Alam ko, may kamuk-hang kamag-anak si Vandolph. Kahawig niya. Pero dapat kilalanin mabuti ng taong nagrereklamo kung sino talaga ang isinusumbong niya. 'Di ba iyan hirap sa artista o celebrity na may kahawig, akala ay siya agad iyo?" paliwanag ni Nene. * * * NASABI ni Roselle Monteverde na balik-SM Megamall ang premiere night ng latest movie offering ng Regal Films, ang Tarot. Bida sa Tarot movie ni Direk Jun Lana sina Marian Rivera, Roxanne Ginoo at Dennis Trillo na showing na sa August 26 at may premiere night sa August 24. "Nakapag-premiere kami sa Trinoma Cinema ng mga Ayala ng OMG, na bida sina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos. Kasi, very tempting ang kanilang offers sa amin. Bakit hindi namin kakagatin? " Pero, maganda rin ang samahan namin sa SM Mall Cinemas, kaya balik-SM kami. "Pare-pareho ang treatment naman ng SM Cinemas sa lahat ng movie producers. May sarili silang patakaran, kaya sinusunod namin. Ganyan naman ang mga business organization, may kanya-kanya silang policy," paliwanag ni Roselle. * * * SAMANTALA, naniniwala na ngayon si Dennis Trillo sa tarot cards mula nang mahulaan siya ng tarot reader ng pawang katotohanan. Totoo ang hula tungkol sa kanyang pamilya, present love life at sa takbo ng kanyang career. Ayon sa tarot cards, ang present love niya ay hindi pa rin ang babaing pakakasalan niya. Nalaman din sa tarot cards na dati ay may attitude problem si Dennis, pero nabago lang ito later on nang pumasok siya sa showbiz at naging busy bilang artista. Tungkol sa anak niya kay Carlene Aguilar, lalo daw niya itong mamahalin ito. Totoo naman dahil kapag walang taping o shooting ay laging kasama ni Dennis ang anak. * * * LALONG gumanda si Iza Calzado nang huli naming nakita sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Rowena Joy. Kasi, madalas palang si-yang may ka-date ngayon na board member sa isang probinsiya. Very secretive si Iza pagdating sa kanyang lovelife. Tulad na lang nang nakaraan niyang karelasyon. Matagal niyang inamin na si Jerry Garcia ito. Kasi ba naman ay long distance love affair ito, pero in fairness, tumagal naman sila. Tungkol sa lalaking nagpapaligaya ngayon kay Iza, wala siyang comment. Kahit nga identity ng lalaki ay ayaw niyang banggitin. Maaaring nag-iingat lang si Iza dahil election season na naman. Mahirap nga namang magamit, noh? Magsisimula na ang SRO ni Iza ngayong Thursday pagkatapos ng Cruel Love. Kabukasan, Friday, special guest naman sa Bubble Gang si Iza. * * * MASARAPpanoorin ang Wow, Hayop ngayong gabi kasi gagampanan nina Jose Manalo at Wally Bayola ang talunang team-up sa reality show tungkol sa aso. Sila sina Michael at ang asong si Izzie. Talunan o eliminated agad sa dog reality show sa America na may pamagat na Greatest American Dog. Source: Taliba |