|
|
| Vandolph magiging tatay naAuthor: Noel Asiñas MAGIGING tatay na si Vandolph sa isang baby boy dahil sa third week of June ay magsisilang na ang asawang si Jenny ng kanilang first born baby. Kaya naman ngayon pa lang ay excited na si Vandolph sa magiging anak. Super laki ang tiyan ni Jenny ngayon, kaya hindi masabi ng kanyang attending physician kung magi-ging normal delivery si Jenny. Maaaring ma-caesarian pa ang bagong mother. Ayon sa aming source, may nakahanda nang pa-ngalan si Vandolph para sa kanyang baby boy. Papangalanan niya itong Vito. Mas mainam na raw ito kaysa sa V2 na unang su-magi sa isip ng actor/comedian. Ayaw ni Vandolph na maging another Boy 2 Quizon ang pangalan ng anak. Eh, sikat naman ang pa-ngalang Vito sa mga Godfather movies noon. Saka, hawig na ito ng V2 na unang ipapangalan. Dahil magiging bagong daddy si Vandolph, super sipag siyang tumanggap ng trabaho. Kahit provincial shows ay okay sa kanya. Bale, napili raw sina Vandolph, Boy2 Quizon at Gio Alvarez ng PAGCOR na mag-show sa iba't ibang Casino establishments ng ahensiya. Last March 24 ay nasa PAGCOR Mimosa, Clark, Pampanga ang tatlo na si-nabi ng mga nakapaligid kina Vandolph, Boy2 at Gio na bagong version ng Dolphy, Panchito at Ading Fernando. Sa April 17 mapapanood ang tatlong komedyante sa PAGCOR Tagaytay at sa April 27 naman ay sa PAGCOR Subic. Si Boy2 ay regular na napapanood sa GMA-7 sa Bubble Gang tuwing Friday night. Ang BG ang pinakama-tagal nang gag show sa bansa at nasa ika-13 taon na ngayon. Si Vandolph at Gio ay parehong naglalagare ng shows sa Dos at Siyete. * * * SPEAKING of Bubble Gang, recently lang ay nasa Dubai ang grupo para doon kunan ang kanilang anniversary presentation. Kaya kakaibang eksena sa Dubai ang malapit na ring mapanood soon. Pero ngayong Friday ay guests sina Ryza Cenon, Sunshine Dizon at Dennis Trillo. Tampok ang gags tungkol sa nakakaaliw na eksena sa isang soldier na napuruhan sa bakbakan at gumagawa ng huling habilin sa kanyang mga mahal sa buhay. Tampok pa rin ang re-gular na buhay nina Angelina (Ogie Alcasid) at Yaya (Michael V). Hindi rin mawawala ang spoof ng mga pangunahing TV ads ngayon, tulad ng Selecta at Del Monte Sauce na bibigyan ng ba-gong twist ng cast ng BG. * * * ABA, nagiging malapit na sa tao ang mga taga-PMA. Kasi, kung inyong natatandaan ang PMA ang naging setting ngayon ng isang soap sa isang higanteng network. Lalong nalalapit sa tao ang mga ginagawa ng mga estudyante ng PMA, ang exclusive school para sa military sa bansa. Recently lang ay nag-perforn kasama ni Dingdong Dantes ang PMA Choir sa Bb. Pilipinas 2009 beauty pageant. Pinalakpakan ang mga ito nang husto dahil magaling din silang kumanta at pang-world class pa. Ngayong March 27 ay aktibo naman ang PMA Masikhay class of 1999. Ang grupo ang pasimuno sa isang kakaibang labanan, ang Musichero Battle of the Uniformed Bands, mula sa Army, Navy, Marines, Air Force, PNP, Bureau of Fire protection at PMA Cadet Combo. Ito ay isang song writing at band performance competition na gaganapin sa March 27 sa Mall of Asia, 7 p. m, pagkatapos ng fireworks. Guest-performer ang Parokya ni Edgar at Typecast at hosts sina nina Julia Clarete at Bobby Yan. Ito ay libre at para sa iba pang impormasyon, tumawag kay Chay Dionco sa 0915-604-6600 o sa 381-2806. * * * HALU-HALONG Hollywood adventure movies ang mapapanood ngayong linggo sa 5MAX Movies ng TV5, featuring Hollywood superstars Will Smith, Jack Black, Angelina Jolie, at Robert De Niro, na nagbo-ses sa comedy animation na Shark Tale. Palabas din ang classic na Pet Sematary at ang critically acclaimed movie na Hook, starring Robin Williams. Makigulo at maki-adventure sa mga bida ng mga matitinding pelikulang pa-labas sa 5MAX Movies ngayong linggo, tuwing 9 p. m. , sa TV5. * * * NGAYONG Wednesday night, masarap panoorin ang comedy skit nina Jose Manalo at Wally Bayola dahil lalabas silang mga sosyalerang hitad sa Wow, Hayop na mahilig mag-alaga ng hayop. Siyempre hindi ma-wawala ang videos ng mga hayop na nag-aasal-tao na tema ng infotainment program ng GMA-7 na mapapanood pagkatapos ng Fated to Love You. Source: Taliba |