Apr 20
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vanness del Moral says Anjo Yllana is just a jolly "kuya"

Author: Ruel Mendoza


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang StarStruck 3 Avenger na si Vanness del Moral. Tinanong namin siya tungkol sa natsitsismis sa kanila ni Anjo Yllana.

May isang blind item kasing lumabas na may bagong kinalolokohang babae si Anjo, at si Vaness nga raw ang tinutukoy. Ayon pa sa balita, si Anjo raw ang tumulong kay Vanness upang maging semi-regular sa gag show na Nuts Entertainment.



Pinagtawanan lang ni Vanness ang nasabing isyu dahil matagal na raw niyang hindi nakikita or nakakausap si Anjo, kaya paano raw sila magkakaroon ng relasyon?



"Aware po ako doon sa blind item, pero hindi ko alam na ako na pala ‘yon," sabi ni Vanness. "May tumawag sa akin before at gusto ngang kunin ang side ko regarding the issue with Anjo. Sabi ko, wala akong masasabi because it's not true. Si Anjo, parang kuya ko na ‘yan. Mabait siya sa aming mga baguhan. Walang malisya ‘yong pagiging malapit namin sa kanya."



Inamin ni Vanness na palabiro talaga si Anjo at ito raw ang ikinakatuwa niya rito.



"Masayahing tao lang po si Anjo. Tsaka may asawa't mga anak siya. Bakit naman ako papatol sa lalakeng may pamilya na? Ayoko pong maging gano'n. Galing na nga po ako sa broken family, maninira pa ba ako ng ibang pamilya?" paliwanag niya.



Ayon kay Vanness, huli raw silang nagkasama ni Anjo noong kampanya ng huli, nang tumakbo itong muli bilang vice mayor ng Parañaque City. Unfortunately, natalo si Anjo sa kanyang re-election bid.



Kuwento niya, "Tumulong lang po kami sa kanya sa pag-entertain ng mga taga-Parañaque. Iyon po ang last time na nakita ko si Anjo. Hindi pa nga kami nagkikita ulit kasi naging busy na rin po siya at hindi na ako nakakapag-guest ulit sa Nuts Entertainment.



"Magkaibigan lang po kami ni Anjo at wala nang iba pa. Huwag na po nilang lagyan ng malisya kasi nakakahiya naman sa family niya," sabi ni Vaness.

Source: Philippine Entertainment Portal