|
|
| Vi iniwasang maging stage mom kay Luis sa 'In My Life' setAuthor: Rowena Agilada PINALAKPAKAN ng press ang trailer ng 'In My Life' sa presscon, lalo na 'yung confrontation scene nina Vilma Santos at John Lloyd Cruz at dramatic moment ng Star for All Seasons and her son Luis Manzano.
Three years ago pa raw sana niya nagawa ang 'In My Life.' Kaya lang, nahalal siyang governor ng Batangas. That time, one year pa lang siyang nanunungkulan at priority niya ang kanyang constituents. Nagpaalam pa siya sa mga ito bago niya ginawa ang 'In My Life.' Bukod daw sa kakaiba ang role niya na kasama pa si John Lloyd, na-excite rin siyang makatrabaho ang anak na si Luis. She stressed, hindi siya naging stage mother during the shoot of the movie sa New York. Basta sinabi niya kay Luis, "Anak, you're portraying a role, hindi ka host dito. Hindi ako nakialam kay direk Olive Lamasan kahit nasasaktan ako bilang ina kapag napagsasabihan niya si Luis. Pinabayaan kong lahat ng motivation sa kanya." Given na ang galing pareho sa pag-arte nina Vilma at John Lloyd pero ayon kay direk Olive, revelation dito si Luis. "I saw in him the sensibility and vulnerability to portray a gay role. I'm glad he accepted the project. Basta panoorin n'yo ang movie," she said. Rated A Rated A ng Cinema Evaluation Board ang 'Manghuhula' ng AP 24.07 Films, tampok sina Emilio Garcia, Eula Valdez, Glaiza de Castro, Chanda Romero, Pinky Amador, Bella Flores, with the special participation of Angel Aquino, Epy Quizon, Mark Gil, Meryll Soriano, John Lapus, Mel Martinez, Harlene Bautista, Candy Pangilinan, Tuesday Vargas, and many more. Ayon kay Emilio, hindi nila ginaya ang concept ng 'Tarot' na showing ngayon sa mga sinehan. Last year pa nila natapos ang 'Manghuhula.' Ipinalabas ito sa 2008 Cinemanila International Film Festival at nai-produce sa tulong ng National Commission for Culture and the Arts. This is directed by Paolo Alessandro Herras (second cousin ni Mark Herras) who also directed indie films 'Rekados' and 'Lambanog' na isinali for competition sa international film festivals in Japan, India at Italy. Suspense-thriller ang 'Manghuhula' kung saan lider ng isang sindikato ng mga manghuhula ang role ni Emilio. Aniya, never pa siyang nagpahula sa tanang buhay niya dahil hindi siya naniniwala rito. "Ayokong magpahula dahil ayokong idepende ang bawat gagawin ko rito. Kung negative ang hula, iisipin ko lang 'yon. Nasa tao naman ang magiging kapalaran, kung ano'ng gusto mong mangyari sa buhay mo," paliwanag niya. Marami nang indie films ang nagawa ni Emilio at aniya, bagama't hindi financially rewarding ang talent fee, ibang klaseng fulfilment ang nararamdaman niya. Kakaibang tema kasi ang mga ginagawa niyang indie films at 'yung iba'y nagbigay sa kanya ng acting awards tulad ng 'Selda' at 'Walang Kawala' kung saan nanalo siyang best actor at best supporting actor mula sa iba't ibang award-giving bodies. 'Manghuhula' opens on Sept. 9 sa major cinemas sa Metro Manila. May premiere night ito tonight sa SM Megamall Cinema 10. Di apektado Hindi naniniwala si Gretchen Espina na makakaapekto sa kanya ang 'Are You the Next Big Star?' winners na sina Frencheska Farr at Geoff Taylor. First Pinoy Idol si Gretchen at ayon sa ibang showbiz observers, hindi pa nga gaanong umaarangkada ang career, heto na sina Frencheska at Geoff. Hindi raw kaya mapag-iwanan siya ng dalawa ngayong may makakaagaw na siya sa pagtutok ng atensiyon ng GMA-7? "Hindi naman siguro. Sana bigyan kami ng parehas na atensiyon," ani Gretchen. She's happy na finally ay na-release na ang kanyang debut album, 'Shining Through.' Sana lang, mag-shine na nang bonggang-bongga ang kanyang career. It took one year bago nai-release ang kanyang album dahil naghintay raw ng right timing ang Sony Music. "Magiging raw kasi kung inilabas agad ang album ko after manalo ako sa 'Pinoy Idol'. At least, napaghandaang mabuti ang album," aniya. Source: Tempo |