Mar 18
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vic, Game na Game kay Pia!

Author: Jun Nardo
Column: Talaga? Sige Na Nga...

TANGING si Oyo Sotto lang ang dumalo sa main casts ng special screening ng horror movie na TXT last Tuesday sa The Podium. Of course, alam ng lahat na nasa Thailand si Angel Locsin para sa shooting ng isang commercial.

Pero si Dennis Trillo ay hindi rin sumipot although kahapon sa SIS, live na nag-promote ng pelikula ang aktor at kinanta ang theme song nito.

Siyempre pa, lalong umigting ang intriga na masama pa rin ang loob ng manager ni Dennis na si Popoy C kay Mother Lily kaya hindi pumunta ang alaga.

Gayunpaman, suportado si Oyo ng kapatid niyang si Danica Sotto na dumating kasama ang cager boyfriend na si Marc Pingris.

Present din ang daddy niyang si Vic Sotto kasama ang girlfriend na si Pia Guanio. Sa pagdating ng dalawa, kislapan talaga ang mga kamera at tinutukan sila ng TV cameras, huh! Hindi naman naging madamot ang dalawang lovers.

Sa labas ng The Podium ay nakita rin sina Vic at Pia ng mga kaibigan kong editor dito sa Abante na si Dondon Sermino, pati na sina Eugene Asis at Ian Farinas.

At game na game na nakipagtsikahan ang dalawa sa kanila, at nagpaunlak pa na magpa-picture, kesehodang maraming tao sa paligid na nakatingin sa kanila.

Say nga ng tatlo, halata na happy si Vic sa piling ni Pia. Palagi nga raw itong nakangiti at nagbibiro.

Bukod kina Vic at Pia, present din sa special screening si Joey de Leon at wife na si Eileen Macapagal. Nagbigay suporta rin si Allan K, na nakaw-eksena sa movie, at si Gladys Guevarra.

Nanood din ang pamilya Tuviera ng director na si Michael Tuviera, pati na ang mother-in-law niyang si Julie Yap Daza.

Ilan pa sa casts na nandoon ay sina Bing Loyzaga at Dante Rivero. Watch din si director Joel Lamangan at ilang members ng press.

***

Sa totoo lang, deserving na makakuha ng A rating ang TXT na co-production ng Regal at APT Entertainment. Kung hindi kami nagkakamali, ang TXT ang unang movie this year na gawa ng major company na nakakuha ng ganoong rating.

Nakakatakot ang movie at mabilis ang pacing nito. Mai-involve talaga ang bawat manonood sa eksenang nakakatakot.

Magaling si Oyo, huh! Ayaw nga sana niyang tanggapin ang movie pero after niyang mapanood ang pelikula, masaya siya sa naging resulta ng performance. Who knows, baka next year ay maging strong contender siya for best actor, huh!

***

Bonding ang naganap sa buong tropa ng Eat Bulaga na nagpunta sa Hong Kong last weekend. Sabay-sabay sila kung mag-breakfast, lunch at dinner, kaya lalong tumibay ang samahan nila.

Of course, may kanya-kanya ring drama ang bawat isa.

Si Gladys, hindi masyadong namili. Mas lamang ang tulog at pahinga niya kesa sa shopping.

"Saka umuulan! Byuti rest lang ako. Isang bag lang ang nabili ko," kuwento ni Gladys sa amin.

First time naman ni Sugar Mercado sa Hong Kong kaya ayon sa kuwento ni Gladys, muntik na itong mabangga ng taksi sa tawiran, huh!

For comments and suggestions, e-mail us at jnardo_55@yahoo.com

Source: Abante