Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vic Sotto magpapaalam na sa Kapuso Network

Author: Gerry Ocampo
Column: Go

NATAWA ang nakapanood sa interview kay Vic Sotto ni Boy Abunda nang aminin ni Bossing na isang bakla ang unang nakahalik sa kanya sa bibig.

Kuwento ni Bossing Vic, naglalakad sila ng father niya nang isang lalaki ang nakasalubong nila at sinabihan siyang cute na bata at sabay hinalikan siya sa lips. Isusumbong daw niya sana sa ama ang ginawa ng naturang guy, pero natakot daw siya na mabugbog ang bading ng kanyang ama.

Sa naturang interview din, kinumpirma ni Vic na totoong lilipat na siya ng TV network at under negotiation na raw ito. Hindi lang klaro kung sa ABS-CBN or TV5 na niya ililipat ang Full Haus na nagtapos na ang kontrata sa GMA7. Pero definitely ay wala nang makapipigil kay Bossing na ilipat na ito ng bagong TV network, at bagong format ng show na raw ang ipapalit niya sa Full Haus.

Sa mga nagtatanong kung pati raw ba ang Eat Bulaga ay lilipat na rin ng TV network? Well, sa pag-kakaalam namin ay mana-natili pa ring Kapuso ang EB barkada. Magtatapos na rin kasi ang kontrata ng naturang show at posibleng mag-renew uli sila ng kontrata sa Siyete unless ayaw ni Mr. Tony Tuviera na manatili sa Siyete. Anyway, hataw pa rin sa rating ang EB show dahil sa mga premyong ipinamimigay nila araw-araw sa studio audience na isang tanong lang ay mananalo na kaagad ng P10,000 nang walang kahirap-hirap. Isama pa ang mga nakaka-enjoy na segment ng mga laro tulad ng Pinoy Henyo, atbp.

Going back kay Bossing Vic, tinawanan lang niya ang tsikang nagkaka-labuan sila ni Pia Guanio dahil kay Paula Taylor na leading lady niya sa bagong pelikulang produce ng M-Zet. Hindi raw ganoon kakitid ang utak ni Pia at lalong 'di nito pinagseselosan si Paula.

* * *

PINUTAKTI ng tanong si Karylle ng mga reporter para hingan ng reaction sa naging scenario na magkasama sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa burol ni former President Cory Aquino na magka-holding hands.

"It`s almost a year nang wala kami ni Dingdong, so hindi na ako kailangang mag-comment. Kumbaga bakit pa ako sasama sa picture? Masaya na ako at matagal nang nakapag-move on," say ni Karylle

Magmula raw nang magkahiwalay sila ni Dingdong ay gumanda ang pananaw niya sa buhay at lalong lumawak ang kanyang pag-iisip sa buhay. Matagal na raw silang hindi nagkikita ni Dingdong at hanggang maaari ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang ex-boyfriend dahil baka raw isipin na ginagamit niya ang actor sa kanyang publicity. Kahit 'di sila nagkikita ay magkasosyo pa rin naman daw sila sa bar and resto na itinayo nila noon. In fact, doing good nga raw ang business at marami naman daw silang partners doon ka-ya okey lang na hindi sila magkausap

Samantala, masaya si Karylle sa blessings na dumarating sa kanya. Pagkatapos ng Nasaan Ka Maruja ay isinama siya sa Dahil May Isang Ikaw with Jericho Rosales and Kristine Hermosa

Sa September ay naka-takda siyang mag-shoot ng TVC ng Pink Water Body Spray at may dalawa pa si-yang endorsements na ilu-launch. Thankful si Karylle sa Dos dahil magmula nang maging Kapamilya siya ay nagkasunud-sunod na ang magagandang pangyayari sa kanyang buhay.

Nagpapasalamat din siya sa GMA7 dahil ito raw ang unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon sa showbiz na sad to say nga lang at hindi nagtuluy-tuloy dahil sa hindi inaasahang pangyayari

* * *

SA Ripley`s Believe It Or Not ngayong Lunes: Actor, 28 years old na pero laging pumapapel na bata dahil ang katawan niya ay pang-12 years old lang, sanhi ng 'di pangkaraniwang sakit.

Falcons, pinananatiling ligtas sa aksidente ang JFK airport, tagabugaw ng mga ligaw na ibon na nagiging dahilan ng pagbagsak ng eroplano. Deboto, tinutuhog ng malaking karayom ang pisngi at tiyan dahil sa pananampalataya na pang-karaniwan nang ginagawa ngayon ng mga kabataan sa America. Entertainer, sasa-yaw habang may mga naka-sinding kandila sa bigote. Skateboarder tatalon sa lumilipad na helicopter.

Ilan lang ang mga ito sa mga ikukuwento ng host na si Chris Tiu sa umpisa ng anniversary night ng show.

* * *

PAGLILINAW ng pamunuan at people behind the production ng Darna na walang eksenang naghahalikan sina Marian Rivera as Darna at Mark Anthony Fernandez.

Paano raw nagkaroon ng tsikang pinagpawisan si Marian sa kissing scene nila ni Mark ganung walang halikan ang dalawa sa Darna. Mas maraming bata ang taga-subaybay ng Darna kaya pinakaiiwasan ng production staff at director ang mga eksenang posibleng 'dama-ging' sa isipan ng mga kaba-taan. *

* * *

NAKALULUNGKOT kung totoong naka-P3M lang sa opening day ang And I Love You So dahil in fairness sa movie ay napakaganda ng istorya at pinatu-nayan dito ni Bea Alonzo na kayang-kaya niyang magdala ng movie. Malaking epekto ang na-ging hidwaan ng Star Cine-ma at SM Cinemas. Aminin man o hindi ay karamihan ng mga kababayan natin ay ma-dalas sa SM nagpupunta para manood ng sine.

Source: Taliba