Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vic Sotto on relationship with Pia Guanio: "Hindi naman laru-laro lang ito..."

"We talked about things and we know that we want to end up with each other for the rest of our lives," says Pia Guiano about wedding talks with boyfriend Vic Sotto.

Author: Glen P. Sibonga

Tuwang-tuwa ang Comedy Box-Office King na si Vic Sotto nang makita niya ang maraming taong naghihintay sa kanyang pagdating at sumisigaw ng "Bossing!" --tawag kay Vic--sa premiere night ng pinagbibidahan niyang pelikulang Love OnLine (LOL). Matagumpay na ginanap ang premiere kagabi, August 16, sa SM Megamall Cinema 10.

Magkasabay na dumating si Vic at ang girlfriend niyang si Pia Guanio sa event. At bago sila tuluyang pumasok sa Cinema 10 ay umakyat muna sila sa naka-set up na stage sa labas, kasama ang leading lady ni Vic sa LOL na si Paula Taylor at ang sidekick ng comedian na si Jose Manalo. Nagpasalamat ang apat sa mga taong nagpunta sa gabing iyon at nag-imbita na rin na manood ng LOL sa regular showing nito simula sa August 19.

Pagkababa ng stage ay kaagad na pumasok sina Paula at Jose sa loob ng sinehan, habang sina Bossing at Pia naman ay pinalibutan ng TV crews at entertainment press, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), para ma-interview.

Ano ang feeling ni Bossing sa premiere night ng LOL at nalalapit na showing nito sa Miyerkules?

"As always, excited!" bulalas ni Bossing. "Excited kami na ipakita sa mga tao kung gaano kaganda ang movie."

Ano ang expectations niya sa LOL?

"A, okay. We always expect for the best. Basta ang importante naman, e, makapag-laugh out loud yung mga manonood. Yun ang importante para sa amin," sambit pa ni Vic.


RELATIONSHIP WITH PIA. Siyempre, hindi rin nakaligtas sina Vic at Pia sa mga tanong tungkol sa kanilang relationship. Dahil si Vic nga ang may pelikula, kaya't siya ang madalas na ma-interview. Since kasama niya si Pia, ito ang naging target ng pagtatanong ng mga press tungkol sa mga plano nilang dalawa.

Ani Pia, "Well, serious... the plans are very serious. We talked about things and we know that we want to end up with each other for the rest of our lives."

Sa interviews ni Vic, sinabi nito na si Pia na ang huling babaeng mamahalin niya at kung hindi sila magkakatuluyan ay hindi na siya iibig pang muli. Ano ang comment ni Pia rito?

Pero bago makasagot si Pia ay sumingit muna si Vic ng: "Bakit, hindi ka naniniwala? Umayos ka!"

Natawa muna si Pia at sinabing, "Anong feeling? Aba pressured, di ba? Kasi pag hindi na nagkatotoo ito, kawawa naman si Vic, walang magmamahal."

So, may plans na talaga sila?

"Siyempre naman," sagot ni Vic. "Hindi naman laru-laro lang ito. Kaya kayo nagkakaroon ng relationship para sa kinabukasan n'yo rin. Para sa bandang huli, kayong dalawa ang magkatuluyan."


WEDDING PROPOSAL IN Eat Bulaga! Kung titingnan ang tatag ng relationship nina Vic at Pia ay tila kasal na lang ang kulang sa kanila. Hinihintay na ba ni Pia na mag-propose si Vic?

"Am I waiting for the proposal?" balik-tanong ng TV personality. "Hindi na kailangan yun. Hindi ko na kailangan ng mga formalities. Hindi ko na kailangan ng mga ritwal. I'm a very casual person. It's enough for me that we're both committed to each other. And it's enough for me to know that we love each other very much. Tapos, syempre kailangan na lang blessings ni God. That's the only thing that matters."

Hindi kaya one of these days ay mabigla na lang ang mga tao kapag napanood sa Eat Bulaga! na bigla na lang lumuhod si Bossing at mag-propose ng kasal kay Pia?

"Nag-wedding na kami sa Bulaga!, e!" natatawang sabi ni Pia.

Biglang nagsalita si Vic, "Ang problema sa Eat Bulaga!, nandun si Allan K, e."

Dagdag naman ni Pia, "Oo, lalong natatabunan. At saka lagi niyang pinahihinto ang mga sitwasyon."

Biro sa kanila, tila may love triangle nga sina Vic, Pia, at Allan K sa Eat Bulaga!. Madalas kasing biruin ni Allan K si Vic na mas higit pa ang pagmamahal na kaya niyang ibigay kay Bossing kaysa kay Pia.

Pero posible bang maganap ang proposal sa Eat Bulaga!?

Source: Philippine Entertainment Portal