Dec 05
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Vic at Pia magla-lamyerda sa China

Na-sight kahapon si Lara Quigaman na ru­ma­ram­pa as in bumibili ng sapatos sa isang tindahan sa Trinoma.At least, may time na si Lara para sa kanyang sarili dahil maluwag na ang kanyang schedule mula nang mag-babu siya sa Wo...

 

Vic at Pia magla-lamyerda sa China

Column: Take It Take It
Author: Lolit Solis

Na-sight kahapon si Lara Quigaman na ru­ma­ram­pa as in bumibili ng sapatos sa isang tindahan sa Trinoma.

At least, may time na si Lara para sa kanyang sarili dahil maluwag na ang kanyang schedule mula nang mag-babu siya sa Wowowee.

Hindi pa nagsasalita o nagpapaliwanag si Lara sa tunay na dahilan ng pagkawala niya bilang co-host ni Willie Revillame.

 Waiting sa explanation ni Lara ang kanyang mga tagahanga na nalulungkot dahil hindi na nila nasisi­layan sa TV tuwing tanghali ang dating beauty queen.

* * *

Bongga si Lea Salonga dahil sold-out ang kanyang  two-night concert sa PICC.

Kesehodang masungit ang panahon kaha­pon, napuno pa rin ng audience ang con­cert ni Lea kagabi.

Ang sey ng mga nakapanood, sulit na sulit ang kanilang mga ibinayad dahil ang galing-galing ni Lea.

Yung mga bumili ng VIP tickets eh nagkaroon ng chance na makatsikahan portion si Lea sa meet and greet session nito.

Marami ang nagbakasakali na makabili ng extra tickets pero nabigo sila da­hil talagang sold-out ang tickets ng anniver­sary show ni Lea.

Mamaya ang last night ng show pero sold-out na rin ito. Better luck next time sa mga na-dis­appoint dahil na-miss nila ang bonggang-bong­gang concert ng original Miss Saigon.

* * *

Pupunta pala sa China sina Bossing Vic Sotto at Pia Guanio para magba­kasyon.

Naka-schedule ang pagbabakasyon nila sa susunod na buwan.  Kung pupunta sa Macau ang mag-dyowa, baka makakita sila ng mga kakilala dahil may mga taga-showbiz na nagbabalak na magba­kasyon doon.

Lilipad din sa Hong Kong at Macau ang cast  ng Nuts Entertainment para mag-taping.

Hitting two birds with one stone ang drama ng Nuts Entertainment cast dahil invited din sila ng GMA 7 Pinoy TV sa Independence Day Celebration sa Hong Kong sa June 12.

Looking forward ang mga artista ng Nuts Entertainment sa bonding na gagawin nila sa Hong Kong.

Matagal na kasi mula nang magbiyahe sila ng sama-sama. Hindi pa yata regular noon sa Nuts sina Alfred Vargas at Iwa Moto.

* * *

Dumating kahapon mula sa Cannes Film Festival si Jaclyn Jose. Sure ako na maraming kuwento si Jaclyn sa ilang araw na pamamalagi niya sa France, lalo na ang pakikipag-rubbing elbows niya kina George Lucas, Angelina Jolie, Cate Blanchett at Harrison Ford na nanakawan ng digital camera.

Halos kumpleto na ang pagiging aktres ni Jaclyn dahil nakadalo siya sa isa sa mga pinaka-pres­tigious na international  film fest. Hindi puwe­deng talbugan si Jaclyn ng ibang Holly­wood stars dahil award-winning actress din siya. Naghakot na si Jaclyn ng maraming best actress at best supporting actress trophies. 'Yun lang!

Source: The Philippine Star