|
|
| Vic, bagong host ng 'Who Wants to be a Millionaire?'Author: Nitz Miralles TOTOO ang tsikang babalik sa Philippine TV ang Who Wants to be a Millionaire? at sa TV5 na ito mapapanood. Fourth-season offering daw ito ng network at inspired sa pagkakapanalo sa Oscar ng Slumdog Millionaire. Mahal ang franchise ng WWTBAM? kaya may ibang shows ang TV 5 na maaalis na 'di pa ina-announce. Malalaman na lang 'pag hindi na sila umeere. Si Vic Sotto raw ang magho-host ng WWTBAM?. Unang napanood ang game show sa IBC 13, hosted by Christopher de Leon at produced ng Viva Entertainment. Samantala, inilunsad ng TV5 ang Shake It sa Tag-init summer campaign at marami silang naka-line-up na events at activities. Magsisimula ito sa May 1, sa TV5 Live Caravan sa SM Mall of Asia at may beach party sa White Beach, Puerto Galera sa May 9. May special screenings din ang pelikulang Angels and Demons sa May 15, at Terminator 4 sa May 27 sa Cinema 2 ng Greenbelt 3 sa May 27. Sa May 9 at May 23, ipalalabas sa 5MAX Movies ang prequel na Da Vinci Code at Terminator 3. May free barangay pa-sine ang 5MAX Movies at may barangay auditions ang Talentadong Pinoy sa Mayo rin. * * * PAGKATAPOS ng blockbuster na Walang Kawala, inihahandog ng DMV Entertainment ang isa pang provocative movie muling pupukaw sa imahinasyon ng moviegoers at ito't ang Heavenly Touch, isang adult drama tungkol sa mga nangyayari sa massage parlor. Tampok sina Paolo Serrano at Joash Balejado sa script ni Eric Ramos at direksyon ni Joel Lamangan. Alaga ni Jun Nardo si Paolo, na first time madirek ni Joel. May slight frontal nudity siya nang maligong suot ang manipis na underwear. Ang manager daw niya ang magde-decide kung kailan siya magpo-frontal. Ganu'n!?! Wala raw siyang gay experience, sabi ni Paolo, na nobya ang isang member ng 26K. Kasama siya sa Tayong Dalawa as the NBI friend ni Gerald Anderson. Tumigil muna sa studies niya sa RTU ang 19-year-old na si Joash para mag-artista. Nag-audition siya, nakapasa at thankful na bida agad sa una niyang pelikula. May frontal scene ito at 'di pa raw daring ang ginawa niya. May threesome scene sila nina Paolo at Gwen Garci at may kasama si Marco Morales na hopefully, 'di ma-edit. Pumirma ng five-year contract sa DMV Entertainment si Joash, kaya masusundan ang kanyang debut movie. Kahit sexy movie ang unang pelikula, gusto ni Joas na makilalang magaling na artista at pagtatrabahuan niya ito. * * * INTERESADO ang fans ng Survivor Philippines na makilala ang beauty queen na nag-audition sa SM Baguio at kung nakapasok ba ito? Bawal ang spoiler, kaya kahit kilala na namin kung sino siya, hindi pa dapat pangalanan. Ang hindi alam ng publiko, binigyan ng problema ng beauty queen ang kanyang manager dahil 'di nagpaalam nang mag-audition. Paano nga naman kung may tinanggap siyang projects for her? Ang wish na lang ng manager, kung mapipiling castaway ang alaga, walang sasabay na projects para walang maaapektuhang schedule. Magki-klik sa viewers ang dalaga 'pag napasamang castaway, sigurado 'yan. * * * MAS maaksyon, nakakaantig at kapana-panabik ang mga eksenang mapapanood sa GMA Telebabad today simula sa Family Feud celebrity edition. Sa Zorro, nagbalik na si Antonio Pelaez (Richard Gutierrez) sa kanilang bayan at sa piging na inihanda ng mga magulang, makikilala niya si Lolita Pulido (Rhian Ramos). Sa Totoy Bato, makikilala na ni Totoy (Robin Padilla) si coach Fredo (Eddie Garcia) at aaluking maging boksingero. Nakakanerbyos ang mga eksena sa Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang dahil makakatakas na mula sa kamay ni Rado (Paolo Contis) sina Homer (Dingdong Dantes) at Proserfina (Marian Rivera). Mahuhuli ng pulis si Rado, pero mababaril muna niya si Homer at mag-aagaw-buhay ang binata. Sa All About Eve, tanggap ni Warren (Alfred Vargas) ang nakaraan ni Erika (Sunshine Dizon) bilang GRO na ginamit para makatapos ng pag-aaral. Magkikita na for the first time ang 'di magkakilalang mag-inang Katrina (Jean Garcia) at Erika correctional. Nakita ng una ang huli na umiiyak dahil kinagalitan ni Judith (Angel Aquino) nang palitan ang script ng TV host. Source: People's Tonight |