Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vicki Belo at Atty. Tamano, wala raw relasyon!

Vicki Belo at Atty. Tamano, wala raw relasyon!

Author: Rey Pumaloy
Column: Oh, Laban Ka?!

LOVELESS pa rin daw si Dra. Victoria Belo ngayon, at kahit manliligaw ay wala raw siya. Sabi niya, ang mga anak niyang sina Crystalle at Quark Henares ang lovelife niya ngayon.

Biniro namin si Dra. Belo na malamig pala ang mga gabi niya ngayon.

“Hindi! Nandiyan naman si Crystalle. Kasama ko siyang matulog. At may bago kaming Puppy! Ha! Ha! Ha!” natatawang tugon niya.

Sundot na biro pa ni Dra. Belo, kapag gusto niyang maging mainit ang kanyang gabi ay pinapatay lang niya ang air-con ng kuwarto niya.

So, hindi pa talaga sila nagkakabalikan ni Dr. Hayden Kho?

“Dr. Kho and I, are just friends,” sabi niya.

Pero, inamin niyang suportado pa rin niya si Hayden.

“From the very beginning naman, the only support that I've ever giving him is emotional support. The other thing, maybe I help him is to be kilala in showbiz. Pero siya ang nagdala noon dahil may talent naman siya.

“As of now, wala talaga! Friends lang talaga!” sabi niya.

Dalawang beses sa isang linggo raw kung magkita sila ngayon ni Hayden.

Pero, bakit ganun pa rin katindi ang suporta niya kay Hayden?

“Ako kasi 'pag kaibigan talaga kita, kaibi­gan kita. Marunong akong mag-separate ng lovelife and friendship. I'm always friends with my exes. Kaya ko naman sila minahal dahil mabait sila sa akin. And I think naman, I'm not the type of person na nag-a-abandon ng kaibigan.”

Mahal mo pa ba si Hayden?

“Oo mahal ko siya, pero in a different way. Hindi na 'yung sweetheart love.

Kung mahal ko, mahal ko as kaibigan. Hindi pa naman nagpapalit 'yon,” paliwanag niya.

“Sana'y na ako. Madali lang `yon. Matanda na ako, ilang beses ko na ring nagawa `yon,” dugtong pa niya, na nagpapatunay na wala na siyang balak makipagbalikan kay Hayden.

Anyway, maganda raw ang naidulot sa kanya na loveless siya nga­yon.

“For the first time in my life, I'm single and maganda palang maging single.

Ayaw ko muna!”

Anyway, natawa nang malakas si Dra. Belo nu'ng usisain sa kanya ang tsismis sa kanila ni Atty. Adel Tamano. Iniintriga nga ang pagiging malapit ni Dra. Belo kay Atty. Tamano ngayon.

“Naku! Huwag naman siyang intrigahin! Niloloko ko nga siya. Muslim siya, kaya puwede siyang magkaroon ng apat na asawa.

“Ay! Pero, hindi! He's very much in love with his wife and happily married talaga siya. And nag-promise siya sa wife niya na never siyang...

“So, never na talaga, kasi ang daming nag-a-ano na... Sige na, sige na.

Pero sabi ko, hindi ah. Pero you know, Atty. Adel is a very principled man.

Mabait at supportive na lawyer,” natatawang pahayag pa ni Dra. Belo.

Source: Abante