Nov 22
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vicki Belo says she's only going to America for business

Vicki Belo says she's only going to America for business

Author: Heidi Anicete

Sa pagkakadawit ng pangalan ni Vicki Belo sa kasong kinasangkutan ng dating karelasyong si Hayden Kho ilang buwan na ang nakakaraan, isang immigration hold order ang ibinigay sa kanya at iba pang mga pinaghihinalaang sangkot sa pagpapakalat ng kopya ng pinaka kontrobersyal na sex video ngayong taon upang hindi sila makaalis ng bansa habang on-going ang kaso. Ngunit nitong Sabado (August 15), sinasabing nag-expire na di umano ang naturang order kaya malaya na ulit maglabas-pasok ng bansa ang nabanggit na doktor kailan man niya gustuhin.

Bunsod na rin ng pagkakakamit niya ng kalayaang ito, kanina (August 19) nga ay tinatayang tumulak na patungong Amerika si Vicki matapos ang halos dalawang buwang pagkakahold sa kanya dito sa Pilipinas. Kaugnay nga nito, isang despedida party ang ginanap para sa kanya kagabi kung saan naman agad siyang nagpaunlak ng isang maikling panayam sa SNN.

Maraming bulung-bulungan na ang pag-alis raw ni Vicki ng bansa ay hudyat ng kanyang pagtakas sa kasong ihinabla laban sa kanya at ilan pang mga kaibigan. Mariin namang pinabulaanan ito ng doktor sa kanyang naging pahayag sa SNN. Ayon sa kanya, strictly business lamang ang kanyang pakay sa Amerika at wala siyang intensyong magtago doon tulad ng hinala ng iba. Paglilinaw nga niya sa isyung ito, "I'm going to Florida... to encourage medical tourism."

Source: ABS-CBN Interactive