Dec 06
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Vilma, Korina bati na

PINARANGALAN ng People's Asia Magazine ang mga nangungunang kababaihan sa kani-kanilang larangan. Ang parangal ay tinatawag nilang “Women of Style and Substance”. Ginanap ang awarding sa Legaspi Room ng Intercontinental Hotel last Sept. 6. Kabila...

 

Vilma, Korina bati na

Author: Jaime Escala

PINARANGALAN ng People's Asia Magazine ang mga nangungunang kababaihan sa kani-kanilang larangan. Ang parangal ay tinatawag nilang “Women of Style and Substance”.

Ginanap ang awarding sa Legaspi Room ng Intercontinental Hotel last Sept. 6. Kabilang sa list ay ang Star for all Seasons and Batangas Governor Vilma Santos-Recto, beauty expert Vicki Belo, singer Sitti, lifestyle columnist Millet Mananquil, lawyers Katrina Ponce Enrile and Rowena Bengson, socialites philanthropists Lizzie Zobel and Margarita Delgado, news personalities Korina Sanchez, Vicky Morales and Tintin Bersola.

Isa sa kaabang-abang sa ginanap na nabanggit na okasyon ay ang first time na paghaharap after the elections nina Governor Vilma Santos-Recto and Korina Sanchez. Natatandang may lumabas noon na may tampuhan ang dalawa dahil sa sobrang pagbanat noon ni Korina sa mga Recto lalung-lalo na sa asawang si Senator Ralph Recto.

Pero sa nabanggit na okasyon ay kitang-kita namin na parang walang anumang nangyari at nagkayakapan pa ang dalawa. Mas naunang dumating si Ate Vi sa venue and nasa stage na lahat ng awardees nang dumating naman si Korina Sanchez.

Isa-isang nilapitan ni Korina sa entablado ang mga co-awardees niya. “No choice” yata si Ms. Korina kundi ang magbigay galang na rin sa Batangas governor, huh!

Una naming hiningan ng pahayag si Govenor Vi. Ayon sa premyadong aktres at politician ay wala raw naman siyang sama ng loob na naramdaman kay Korina. Kumbaga, napalaki lang daw 'yun ng showbiz at pati na rin ng pulitika.

Pati na rin kina Mother Lily, Richard Gomez at ilan pang mga kasamahan sa showbiz na may pahayag noon against Senator Recto ay hindi rin daw masama ang loob ni Gov. Vi.

“It's time to unite and move forward,” sey pa ng most awarded actress and politician.

Sa panig naman ni Korina, kung may nasasaktan daw naman siya ay bahagi raw 'yun sa kanyang pagiging komentarista. Pero wala raw siyang natatandaan na may nasabi siyang against Gov. Vi.

“Idolo ko si Gov. Vi and eversince, Vilmanian ako at ipinagmamalaki ko pa 'yun,” sey pa niya.

Kitang-kita naman namin na right after the affair ay nilapitan pa ni Ms. Korina si Governor Vi at nagpa-autograph pa ito sa hawak niyang kopya ng People's Asia Magazine.

Incidentally, mapapapanood ang kabuuhan ng pagbabati ng dalawa sa The Buzz ngayong Linggo kung saan guest din sa programa sina Alma Moreno, Angel Locsin, Angelica Panganiban at KC Concepcion.

* * *
GAGANAPAN sa Martes (Sept. 11), sa Araneta Coliseum ang much awaited finals night ng Be Bench/ The Model Search entitled Be Bench:Beyond 20. Ipapalabas naman ito sa dara-ting na Linggo (Sept. 16) 10 p. m. sa ABS-CBN.

Ang final 6 ay binubuo nina Ron (Las Piñas), Carlo (Pasay), John (QC), Michelle (Davao), Kristine (Bulacan) at Regine (QC).
Isang babae at isang lalake lang ang pipiliin mula sa anim na magiging opisyal na Bench endorsers.

Ang mananalo ay mag-uuwi ng cash prizes, Bench clothing,sponsorship for 15 months, ABS-CBN television management contract, Bench management contract, and P250,000. 00 worth of scholarship from STI. Each winner will also be awarded a two-bedroom house and lot at St. Monique Valais courtesy of Globe Asiatique.

Bukod kina Mr. Ben Chan at big bosses ng ABS-CBN ay darating din with matching production number pa and fashion show segment sina Jomari Yllana, Diether Ocampo, Sam Milby, Rica Peralejo, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, John Prats, Iya Villania, Shaina Magdayao at iba pa.

Sina Piolo Pascual at Kris Aquino ang host ng Be Bench.

Sa mga gustong manood , bumili lang ng anumang Bench merchandise and presto puwede na kayong makahingi ng ticket n'yo for the big event na ito sa Araneta Coliseum this coming Tuesday, Sept. 11.

Source: Taliba