Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vilma, Maricel, at Kris, tatalbugan ng 'MP6' ni Sharon!

Vilma, Maricel, at Kris, tatalbugan ng 'MP6' ni Sharon!

Author: Abante

DAPAT ay first shooting day ng pelikulang Mano Po 6: My Mother ng Regal Entertainment last October 1, pero nakansela ito dahil naging abala ang lahat sa kanya-kaniyang relief operations na dulot ng bagyong Ondoy.

Ang Mano Po 6 ang kauna-unahang pelikula ni Sharon Cuneta sa ilalim ng Regal Entertainment at isa sa mga official entries para sa 2009 Metro Manila Film Festival sa December.

Mula ito sa direksyon ni Joel Lamangan at kasama sa cast sina Zsa Zsa Padilla, Dennis Trillo, Glaiza de Castro, Erich Gonzales, Sid Lucero, at Christopher de Leon. Wala pa nga raw napipiling magiging anak ni Shawie sa naturang movie.

Magkakaroon din ng shooting ang naturang movie sa Beijing, China kaya ngayon daw ay inaa­yos na ang magiging shooting schedules ng mga artista para tuluy-tuloy ang shoot bago sila tumulak for China.

Hoping na nga raw na may makuha na silang gaganap na anak ni Shawie sa movie. Tatlong young actress nga ang pinagpipilian.

Masasabi ngang pinaka-expensive na Mano Po movie raw ito ng Regal dahil sa laki ng mga artista at sa mga malalaking eksena na kukunan.

Tata­lunin daw nito ang mga nakaraang Mano Po movies na pinagbidahan nila Maricel Soriano, Susan Roces, Vilma Santos, Kris Aquino, Ara Mina, Judy Ann Santos, Zsa Zsa Padilla, Angel Locsin at Lorna Tolentino.

Dito nga raw sa Mano Po 6 ay ibang Zsa Zsa Padilla ang mapapanood dahil kontrabida siya rito at hindi na martir na babae. Request nga raw ito mismo ni Zsa Zsa dahil muli silang magkakatrabaho ni Sharon Cuneta. Huli nga raw silang nagkasama ay sa pelikulang Madrasta noong 1996 pa.

Kaya magandang reunion daw nila ito dahil kasama rin si Boyet de Leon na gumanap din na asawa nilang dalawa sa Mad­rasta.

Source: Abante