Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vilma Santos, araw-araw gumigiling!

Author: Abante

KEKEMBOT to the max na naman si Vilma Santos ngayong gabi sa Vilma: A Woman for all Seasons sa ABS-CBN.

At bagama't matagal na ring walang show si Vilma sa TV, ang hindi alam ng lahat ay never siyang tumigil sa kakasayaw. Sa katunayan, may work out area si Ate Vi sa kanyang bahay, kung saan ay umaabot siya ng dalawang oras araw-araw sa paggiling sa mga paborito niyang disco music. Kaya nga hanggang ngayon ay seksing-seksi pa rin siya.

Makakasabayan nga pala ni Vilma sa pagsayaw sina Shaina Magdayao, Angelica Panganiban, Iya Villania, Empress Shuck, Nina Dolino, Princess Ryan at Dianne Medina, suot ang kanilang magagarbong costume kaya parang ala-showdown ito! Si Vhong Navarro ang magsisilbing host nito.

Source: Abante