Nov 23
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vilma, aprub bilang Cory!

Author: Vinia Vivar

Inamin ni Kris Aquino last Sunday sa The Buzz na talagang may planong gawing pelikula ang life and times ng kanyang mga magulang. The way we understand it, tila magkahiwalay na proyekto ang lifestory ni former Sen. Benigno "Ninoy" Aquino at ang buhay naman ng kanyang inang si former President Corazon Aquino.

Ayon kay Kris, kina-usap na raw siya ng ABS-CBN President Charo Santos tungkol sa planong pagsasapelikula ng buhay ng kanyang ina.

"Nung binanggit sa akin ni Ma'm Charo if we would be interested, the family, to have Ate Vi (Vilma Santos) portray mom in a movie that Star Cinema is interested to produce, I immediately asked my sisters and they said they could not think of any other actress but Vilma Santos to portray mom," say ni Kris.

"Pero as it is, wala pa namang final pero siyempre malaking bagay para sa pamilya namin na Vilma Santos is Vilma Santos. We really feel she can give justice. "

Pero sa artistang ga-ganap sa papel ng kanilang ama, maugong na maugong ang mga pangalan ni Piolo Pascual at Cesar Montano. May tsismis pang dalawa silang kukunin at si Papa P ang young Ninoy.

Aminado naman si Kris na noong buhay pa ang kanyang ina ay nakausap na nila si Cesar tungkol dito pero nawalan na raw sila ng komunikasyon at inakala nilang hindi na interesado ang aktor.

"And remember the story of my dad, 'yung story n'ya kasi nakulong siya, hindi pa siya 40 years old. .. When martial law was declared, dad was just 39. Kung tutuusin halos kaedad ko. Kung babasehan mo 'yung story nila ni mom from the time nung they got married at 21 all the way to martial law, ang tamang edad doon si Piolo Pascual," say ni Kris.

Naging honest din ang TV host/actress sa pagsasabing kung ang mga kapatid niyang babae ang tatanungin, pabor daw ang mga ito kay Piolo.

"Ang mga kapatid kong babae, pati ako, mga fans ni Piolo. For being very honest about it, sabi talaga ng mga sisters ko, 'Wow gumuwapo ang dad. " The only thing we can say is we don't know what will happen sa movie na 'yan. "

But at the end, nagpahayag si Kris na sana'y hindi magkaroon ng intriga kung sino ang mapipili sa role ng kanyang mga magulang.

"Sana hindi magkaroon ng gulo or any alitan kung sino dapat ang maging Ninoy o maging Cory. Let's just wait. And I think the rights belong to our family naman kung sino ang pipiliin namin or kung sino man talaga ang maglalatag ng magandang storya. Bigyan kami ng pagkakataon to listen to everybody," pahayag pa ni Kris.

* * *

Si Zsa Zsa Padilla ang sumalang last Sunday sa Tough 10 Questions segment ng The Buzz at natanong siya tungkol sa kung kanino siyang lalaki mas boto para sa kanyang anak na si Karylle.

Ibinuking ng Divine Diva na medyo hindi na raw close ngayon ang anak kay Christian Bautista. Ang napapapansin daw niyang malapit kay Karylle ngayon ay si Jericho Rosales.

Dagdag pa ni Zsa Zsa, lagi raw bubulong-bulong si Echo kay Karylle at nakita nga raw niya mismo sa ASAP 09 last Sunday.

Pero ayon kay Zsa Zsa ay wala naman daw siyang sinasabi kung sino ang mas gusto niya sa dalawa dahil para sa kanya, kung saan maligaya ang anak ay doon siya.

Ang wish niya raw kay Karylle, sana raw ay magkaroon ito ng movie under Star Cinema dahil ito na lang daw ang kulang sa career nito sa ABS-CBN.

Naitanong din kay Zsa Zsa ang tungkol sa hindi pagkakahirang kay Dolphy bilang National Artist at inamin naman niyang nalungkot siya tungkol dito although aniya, ayaw niya nang magsalita dahil baka sabihin pang nagsa-sour graping siya.

"But I really wish it for him and I wish in three more years, pagka nagkapilian ulit, sana mapansin naman ang achievements ni Dolphy and sana he's still around. Realistically speaking, he's 81 (years old), so I hope in three years he'll still be around to receive the award. "

Source: People's Tonight