|
|
| Vilma, hindi gutom sa kapangyarihan!![]() Author: Ruel Mendoza SA birthday celebration ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa Lipa, Batangas noong Lunes, paulit-ulit siyang tinanong kung tatakbo ba siya bilang vice president ng bansa sa 2010? “No it's not true! I am not running for any position in government in 2010,” mariing sagot ni Gov. Vilma. “Alam ko na may mga talks about it pero lahat iyon ay puro hearsays lang. Alam naman ng lahat, ng pamilya ko, ng mga constituents ko dito sa Batangas na ang Batangas ang priority ko. Nahalal akong governor ng Batangas dahil ang gusto ko talagang tulungan ay ang mga kapwa ko taga-Batangas.” Dagdag pa ni Gov. Vilma na hindi raw siya sumisira sa anumang salita na binibitawan niya. Never naman daw siyang na-brand bilang isang political-hungry na tao, o gutom sa kapangyarihan at oportunista. “Ayokong sirain ang pangalan ko, lalo na sa mga taong naniniwala at nagtitiwala sa akin. Noong tumakbo ako as mayor of Lipa, Batangas, sinabi ko na tatapusin ko ang term ko as mayor bago ako pumasok sa mas mataas na posisyon. Tinupad ko iyon pero ilang beses ko iyon pinag-isipan. Salamat sa Diyos at nandito pa rin tayo serving the people of Batangas.” Dahil nga sa kinumpirma na ni Gov. Vilma na hindi siya tatakbo bilang vice president sa 2010, wala nang magiging hadlang sa pagtakbo ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa naturang posisyon. Nagbitaw kasi ng salita si Sen. Bong na kung tatakbo si Gov. Vilma as vice president, hindi raw niya ito sasabayan bilang respeto sa kanilang propesyon at pagkakaibigan. Aware rin si Gov. Vilma sa pagtakbo na ito ni Sen. Bong at susuportahan daw niya ito sa higit na makakaya niya come campaign period. Source: Abante |