Nov 08
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

Vilma walang binatbat sa pagka-galante ni Nora

Author: Pete Ampoloquio, Jr.
Column: Pete-tik

MARAMI ang nadi-disappoint ngayon sa star for all seasons na si Vilma Santos.

Kung kailan pa raw ito yumaman nang husto, saka pa naging su-per-kuripot.

Ha-ha-ha!

Imagine, may old friend daw itong nagpunta all the way to Batangas, only to be given a measly P1,000 when the fare purportedly cost something like P600.

Ang matindi pa, 'di raw sa bulsa ng mahusay na aktres galing ang datung kundi sa bayan ng Lipa.

Over! Baka pinapila pa roon sa DSWD. Ha-ha-ha! Kabaliw-baliw naman if true.

Anyway, nagbago na nga raw sa ngayon ang dati-rati'y darling ng tabloid writers na si Mama Vi.

Ma-imagine mong pinuntahan daw ito sa Lipa ng mga dating kabeso niyang kolumnista, pero wah apir ang reyna ng PR na aktres. Buhkit? 'Di man lang ba siya nakunsensiya na namasahe ang mga 'yun all the way from Manila, pero ni hindi man lang niya hinarap diumano?

Oh, well, sey naman ng iba, wala na raw ka-sing gaanong gamit ang columnists na 'yun dahil hindi na gaanong visible unlike before when they were actually considered the best and the finest in the field of writing.

Ganyan naman talaga sa showbiz, 'pag wala ka nang gamit, hitsura ng etsas sa iyo.

Whatever, iba na raw kasi ang feel ng advisers kuno ng actress-turned-politician.

Kumbaga, na-out grow na raw nito ang tabloids at ang feel nila ay broadsheets na. Ha-ha-ha!

You must be kidding yourself, lady governor. Saan ka ba nanggaling? At sino ba ang market mo? Ang iyong bailiwick?

Mag-aral ka munang magsalita ng tamang Ing-les bago ka mag-ambis-yong maging broadsheet belle.

Anyway, in stark contrasts to Vilma's new found delusions, her arch-rival for many years, the original superstar No-ra Aunor has remained magnanimous in spite of her very limited finances.

Ang sabi pa nga, kung wala raw Sajid Khan, baka sa mga cheap inns pa rin nakatira ang superstar.

Magkaganu'n man, hindi pa rin nagbabago ang pagiging most gi-ving ng aktres. 'Di ba tulad ng kanyang kumare na nuknukan na ng yaman, pero makunat pa sa inuyat.

Imagine, na-shock ang friend naming si Tony Vizmonte na naka-base na ngayon sa Tate nang abutan siya ni Mama Guy right after na ibinigay ni-ya rito ang down payment para sa isang show sa Los Angeles kung sa-an ang kaibigan namin ang tumayong line producer.

"Hindi pa rin nagbabago si Mama Guy," Tony tells us by way of a transatlantic call more than two weeks ago.

"Ayoko sanang tanggapin ang ibinibigay ni-ya, na malaking halaga na para sa akin, pero she was most insistent.

"Grabe siya, ate," further enthused Tony. "Alam ko naman ang needs niya, pero ayaw talaga niyang pumayag na 'di ko tanggapin ang love offering niya. "

Oh, touching, 'di ba? Hayan ang aktres na 'di gaanong maganda ang fi-nances ngayon sa States pero marunong pa ring mag-share ng kanyang blessing.

No wonder, good karma naman lagi si Ate Guy. She may be down for a while, but not for long, long time.

Hayan at meron si-yang bonggang concert sa Grand theater sa Los Angeles on Oct. 24 at launching na rin ito bale ng kanyang album na produced ni Sajid Khan.

Anyway, I'm not wri-ting about Nora's innate magnanimity and Vilma's deplorable niggardly ways for me to get something from Lucky Manzano's mom.

Puhleeeeze! 'Di ko ugali 'yan.

I've always been a free soul and a free soul I will always be as long as I live.

Period.

Source: Taliba