|
|
| Vina 'pipi' pa rin sa relasyon!![]() Author: Rey Pumaloy Hindi na nagulat si Vina Morales sa rebelasyon ni Ogie Alcasid tungkol sa pagmamahalan nila ni Regine Velasquez. Isa nga si Vina sa mga unang pinagsabihan ni Ogie tungkol sa relasyon nila ni Regine. Pero, dahil mahigpit na ipinagbilin ni Ogie kay Vina na isikreto `yon, hindi ikinuwento ni Vina ang tungkol doon. Kuwento sa amin ni Vina, ipinagtapat sa kanya ni Ogie ang relasyon nila ni Regine last year pa, habang magkasama sila sa Europe concert tour. Siyempre, ikinatuwa ni Vina ang paglalantad ni Ogie sa relasyon nila ni Regine. At least daw, hindi na mahihirapan ang dalawa na itago ang katotohanan. Wish din ni Vina na mauwi sa pagpapakasal ang relasyon nina Regine at Ogie. Samantala, kung sina Ogie at Regine ay inilantad na ang kanilang relasyon, nananatiling pipi naman si Vina pagdating sa kanyang karelasyon. "Ayaw ko siyang pag-usapan, kasi he�s a very private person. Kaya naman ako nag-comment about him noon, kasi nga lumabas na siya para ipagtanggol ako. Other than that, hindi ako magsasalita about him," say ni Vina. Sa pagkakaalam ko, inaayos na ng boyfriend ni Vina ang legal na pakikipaghiwalay nito sa unang asawa. Anyway, na-postponed ang Showgirl, US concert tour ni Vina. Kasali kasi si Vina sa IKON Asean Music Awards, isang music competition na nakilala sa Indonesia at Malaysia. Maliban kay Vina, kasali rin sa kontes na ito sina Noel Cabangon, Chris Cayzer, Julianne, Sitti Navarro, Grace Nono, Skarlet at Top Suzara. Excited si Vina sa kontes dahil ito ang ikalawang beses niyang sasali sa music competition. Ang una ay sa Cebu kung saan siya nadiskubre ng yumaong si Mina Aragon ng Viva Films. "Actually, this is not a competition for me. Wala nga akong kaba. Kasi kung ano ang ginagawa ko sa mga concerts ko, �yun din ang gagawin ko pag nag-perform ako. "Ang maganda kasi dito isu-showcase mo yung talent mo sa Asean countries para i-market sa kanila. Sa totoo lang, nalibot ko na halos ang buong US. Nakarating na rin ako sa Europe, Australia at iba pa, pero hindi pa ako nakakapag-perform sa Malaysia and Indonesia. Ang hirap nilang i-penetrate. "So, this is a good chance na ipakita sa kanila ang talents nating mga Pinoy," masaya sabi ni Vina. *** Totoo bang nag-init sina Valerie Concepcion at Wendell Ramos sa love scene nila para sa Sinasamba Kita ng GMA 7? Sa miting ng staff ng show, pinag-usapan nga ang tungkol sa mainit na eksena ng dalawa, na diumano ay ikinaloka ng mga tao sa paligid. Sabi, parang nawala sa sarili ang dalawa, at pakiramdam daw nila ay sila lang ang tao nung mga oras na `yon. Ayaw sabihin ng staff kung ano ang ginawa ng dalawa pagkatapos ng mainit na eksena. Pero, bago raw kinunan ang eksena, napansin nila na panay ang lambingan nina Valerie at Wendell. Puwede mo nga raw isipin na may relasyon sila kung ang mga kilos nila ang papansinin mo. Well, baka naman masyado lang nag-emote sina Wendell at Valerie sa mga papel nila, kaya nagmukhang makatotohanan ang lambingan nila. Anyway, mahalaga raw ang love scene nina Wendell at Valerie sa Sinasamba Kita, dahil ito na ang simula ng matinding banggaan nina Valerie at Sheryl Cruz. *** Taimtim ang pagdarasal ngayon ni Piolo Pascual na mahanap na niya ang tamang babae para sa kanya. "I�m sincerely praying for that. Minsan, iniisip ko, baka nandito lang siya sa tabi ko o sa paligid ko, pero hindi ko lang napapansin. Kaya madalas akong tumingin sa paligid ko. "I�m praying for that. Hindi ako tumitigil sa pagdarasal na mahanap ko na ang right girl sa akin. Siguro, hindi pa lang ngayon ang tamang panahon," sabi ni Piolo. Itinanggi ni Piolo na pihikan siya sa babae. "Hindi ako pihikan. Naging busy lang ako. Pero, I�m not getting any younger, kaya natatakot na rin ako. Ayokong tumandang binata," sabi pa ni Piolo, na leading man ni Regine Velasquez sa Paano Kita Iibigin?.� Source: Abante |