Jan 08
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Vina umalis sa manager, lumipat sa Star Magic

MALAKI ang expectations ng ABS-CBN sa team up nina Matt Evans at Melissa Ricks. Proof ay ang magandang exposure nila sa Iisa Pa Lamang. May sa-riling plot ang love story nina Matt at Mell. Kamakalawa, isang presscon ang ibinigay ng Star Magic at ABS-C...

 

Vina umalis sa manager, lumipat sa Star Magic

Author: Eric John Salut
Column: Kalerky

MALAKI ang expectations ng ABS-CBN sa team up nina Matt Evans at Melissa Ricks. Proof ay ang magandang exposure nila sa Iisa Pa Lamang. May sa-riling plot ang love story nina Matt at Mell.

Kamakalawa, isang presscon ang ibinigay ng Star Magic at ABS-CBN kina Matt and Mell. Patunay ito na pinahahalagahan ng kumpanya ang said loveteam.

Kung inyong matatandaan sa ganitong packa-ging din nabuo ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald.

Ngayon, may sariling show na sina Kim at Gerald. Nagkaroon na rin sila ng sariling movie sa Star Cinema.

Malaki na din ang na-kita kong improvement sa acting ni Melissa. Nakikipagsabayan na ito sa mga veteran actresses like Claudine Barretto at Cherry Pie Picache.

With all the exposure Matt and Mell are getting from ABS-CBN, ma-achieve din kaya nila ang narating nina Kim at Gerald? With their fans' support, hindi ito imposible.

* * *

NASA pangangalaga na ng Star Magic si Vina Morales. Wala na siya sa poder ni Joji Dingcong na matagal din niyang naging manager.

Nakuha namin ang impormasyong ito mula mismo sa isang taga-Star Magic.

In fact, sa nakaraang pictorial ng Star Magic para sa kanilang 2009 catalog, kasama na si Vina.

Senyales ito na opisyal nang Star Magic artist si Vina along with Claudine Barretto, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Diether Ocampo at iba pa.

Hindi namin alam what went wrong sa business relationship nina Vina at Joji. We'll just treat it as a professional move for both.

Now that she is a Star Magic artist, expect na magiging visible na naman si Vina sa iba't ibang ABS-CBN programs.

* * *

NAKITA na namin ang i-lang photos ng I Love Betty La Fea. Napansin lang namin na kahit in-character as Betty, maganda pa din si Bea Alonzo. Kahit naka-dentures, maganda pa rin ang kinalabasan nito.

So we tried comparing Bea sa ilang foreign stars na gumanap na Betty. Lahat sila ay pawang magaganda kaya kahit naka-costume at prosthetics, maganda pa din. So hindi nalalayo sa kanila si Bea.

Speaking of Bea, nag-stop taping ito for I Love Betty La Fea. Mayroon si-yang show sa New Jersey.

Sa pag-alis ni Bea, rumaket din ang ilang cast members like Vhong Navarro.

Nagbakasyon naman si Ruffa Gutierrez sa Beijing, China.

And the long wait is over para sa naghihintay kung sino ba ang aktor na gaganap na Armando.

Dahil this Sunday, sa The Buzz, mari-reveal na kung sino si Armando. This is after three months of paghahanap sa aktor na gaganap sa role.

Source: Taliba