Jan 08
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Vince, ilag kay Sen. Bong

GANDANG-GANDA sa mag-inang Lani Mercado at Inah Revilla ang mga dumalo sa 40th birthday party ng una sa Palm Country Club, Alabang, nu'ng isang gabi. Kung blooming ang birthday girl sa orange na bestidang gawa umano ni Paul Cabral, ganu'ndin si Inah s...

 

Vince, ilag kay Sen. Bong

Author: People's Tonight

GANDANG-GANDA sa mag-inang Lani Mercado at Inah Revilla ang mga dumalo sa 40th birthday party ng una sa Palm Country Club, Alabang, nu'ng isang gabi.

Kung blooming ang birthday girl sa orange na bestidang gawa umano ni Paul Cabral, ganu'ndin si Inah sa simple pero eleganteng beige na kasuotan.

In fact, ayon sa isang source, hindi raw halata ang apat na buwang pagbubuntis nito. Kung hindi nga lang daw in-announce ng pamilya ang tungkol dito'y hindi mo aakalaing nagdadalantao ang 18-year-old wife-to-be ng 24-year-old na si Vince del Rosario.

Kahit medyo kulang sa height, guwapung-guwapo rin daw si Vince sa suot na dark long-sleeved polo. Maikli raw ang naging birthday message nito sa future biyenang si Lani. "Happy birthday" lang ang nasabi nang ipakilala ng celebrator sa ginanap na short program.

Napansin din ng guests na medyo ilag o alanganin pa ang binata lalo na sa ama ni Inah na si Sen. Bong Revilla. Marahil, dahil hindi nga ito taga-showbiz at pribadung-pribado ang pamilyang kinabibilangan.

Samantala, present din sa nasabing pagtitipon ang mga taong talagang malalapit sa puso ni Lani. Naroon ang pamilya Mercado at Bautista (minus Sen. Ramon Revilla Sr. , na hindi na talaga pinadadalo sa mataong okasyong gaya ng party), si German Moreno, Regal Entertainment produ Lily Monteverde, Manilyn Reynes at Sherilyn Reyes (co-hosts ni Lani sa Moms ng Q-11), atbp.

Wala namang namataan ang aming source na GMA-7 o Q-11 executive. Wala rin ang panganay na apo ng celebrator na si Gab (anak ni Jolo kay Grace Adriano), dahil baka hindi raw pinayagan ng ina.

"Ideal family" kung i-describe ng source ang pamilya Revilla nu'ng ma-emosyong gabing 'yon.

Dagdag pa nito, iyak nang iyak si Lani buong gabi, lalo pa siguro dahil nagdeklara si Sen. Bong na ito ang kanyang "one and only wife. "

Kahit daw ano ang sabihin ng iba, "let's face it, Lani is a good mother and wife," dugtong ng source.

Source: People's Tonight