Jan 08
HomeLoginBrowseNewsTV ScheduleStatisticsPreferenceHelpMessage Board

Virginity ni Kyla, malaking challenge kay Rich Alvarez!

PLANO ni Kyla na sa edad na 27 siya mag-asawa. Twenty four na siya ngayon at 25 naman si Rich Alvarez, ang basketbolistang boyfriend niya. Kung sa loob ng tatlong taon ay maganda pa rin ang relasyon nilang dalawa, sa kasalan na talaga mapupunta ang la...

 

Virginity ni Kyla, malaking challenge kay Rich Alvarez!

Author: Dondon Sermino
Column: Palaban 'To No!

PLANO ni Kyla na sa edad na 27 siya mag-asawa. Twenty four na siya ngayon at 25 naman si Rich Alvarez, ang basketbolistang boyfriend niya.

Kung sa loob ng tatlong taon ay maganda pa rin ang relasyon nilang dalawa, sa kasalan na talaga mapupunta ang lahat.

Pero, may mga nagsasabi na baka hindi makatiis si Rich na maghintay pa ng tatlong taon? Sabi nga, sa dinami-rami ng babaeng umaaligid kay Rich, baka mapunta ang atensiyon nito sa kanila?

"Willing naman kaming pareho na maghintay. Hindi pa namin pinag-uusapan ang kasal, kasi alam naming pareho na hindi pa kami ready," say ni Kyla.

"Honestly, hindi ko nakikita sa kanya �yung ganu�n, �yung maging malapit sa ibang babae. Sinabi ko sa kanya lahat ng fears ko. Pero, napatunayan talaga niya na iba siya sa iba.

"Ayaw nga niya �yung mga babaeng aggressive. Hindi siya �yung kapag nilapitan mo, nakiki-join agad. Sabi nga nila, may pagkasuplado si Rich.

"Kilala ko �yung parents niya. Kahit sila, sinasabi nila na hindi ganu�n si Rich.

"And besides, I trust Rich. Siya rin malaki ang trust niya sa akin."

Ramdam na ramdam nga ni Kyla ang matinding pagmamahal sa kanya ni Rich. Hanggang ngayon nga raw ay takot na takot pa rin ito sa kanyang mga magulang.

Naikuwento nga ni Kyla na hindi pumapayag si Rich na umalis sila ng bahay na hindi nagpapaalam o pumapayag ng maayos ang mga magulang niya.

"Marespeto talaga si Rich sa parents ko.

"Honestly, ang laki ng adjustment niya sa akin. Nu�ng nanligaw siya, alam niya na ganito talaga ako. Matiyaga siyang nagpupunta sa bahay.

"Para kaming naka-house arrest dahil hindi talaga kami nakakaalis noon.

"Up to now, kapag kaharap niya ang parenst ko, para siyang nanginginig," nakangiting kuwento pa rin ni Kyla.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa sila nag-aaway ni Rich. Ni hindi raw niya naririnig na nagtataas ng boses ang binata.

"Malumanay kasi siyang magsalita. Parang pareho kami," nakangiting pahayag pa ni Kyla.

Naniniwala si Kyla na si Rich ang ibinigay ng Diyos sa kanya. Ilang ulit nga siyang humingi ng sign bago niya pinayagan ang sarili na mapalapit sa binata noon.

Noong naririnig na ni Kyla na type na type siya ni Rich, humingi siya ng senyales sa Diyos, na kung may makikita siyang puting rosas sa lugar na pupuntahan niya, papayag siyang makipag-date dito. At �yun na nga, gulat na gulat siya dahil ang puting-puting rosas agad ang nakita niya sa lugar na pinuntahan niya.

Nu�ng nanligaw naman si Rich sa kanya at balak na niyang sagutin, humingi pa rin siya ng senyales sa Diyos, na kung karapat-dapat na lalake ito para sa kanya, sana ay may makita siyang kulay dilaw na rosas.

Eh, alam ni Kyla na hindi basta-basta nakikita sa kung saan-saan ang dilaw na rosas, kaya gulat na gulat na naman siya nu�ng may pinuntahan siyang lugar at ang dilaw na bulaklak agad ang nakita niya.

Kaya siyempre, agad niyang sinagot si Rich, dahil alam daw niyang may pahintulot ng Diyos ang kanilang relasyon.

Siyanga pala, natawa si Kyla nang bigla na namang mapunta sa kanyang pagiging virgin ang tsikahan. Sa isang presscon kasi, ipinagmalaki ni Kyla na usung-uso sa kanilang pamilya na virgin ang babae bago ikasal.

"Challenge �yon kay Rich," nakangiting say ni Kyla.

Bakit nasabi ni Kyla na challenge kay Rich ang kanyang pagiging virgin?

"Sa lahat naman ng guys, challenge �yon, �di ba? I mean, kung makakaya talaga nilang maghintay sa kasal nila," simpleng say lang ni Kyla, na siyempre ay tila nahihiya.

Siyanga pala, masayang-masaya si Kyla ngayon dahil marami na ang sumusubaybay sa show niya sa QTV-11, ang Popstar Kids. Parami nang parami ang sumasali at natutuwa si Kyla dahil nakikita niya ang sarili niya sa mga bata na sa murang edad ay sobrang husay na kumanta.

"Yeah, naaalala ko talaga `yung sumali ako sa Tanghalan ng Kampeon.

"Pero, nakakalungkot lang, kasi kahit maganda naman ang intensiyon namin, may mga tao pa rin na naninira. Like, sinasabi nila na ginaya raw namin ang show ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN.

"Ang alam ko, matagal na itong show namin, medyo natagalan lang ang paglabas sa QTV. Mas maganda kung magtulungan na lang, lalo na at pare-pareho naman ang aim namin, ang makatulong sa mga talented na mga bata," say na lang ni Kyla.

Well, kung ako kay Kyla, deadma na lang kami, dahil sa totoo lang, sa panahon ngayon ay wala namang orig na programa. Halos lahat naman ng mga show ngayon ay nagawa na noong araw pa at paulit-ulit na lang, �di ba?

Source: Abante