Nov 24
HomeLoginBrowseNewsTV SchedulePreferenceHelp
 

WEDDING

Author: Nitz Miralles

Guest ni Regine Velasquez sa two-night concert niya sa Skydome ng SM North Edsa sa August 1 and 8 and billed Most Requested si Eva Castillo. Mga kantang sumikat sa jukebox ang gusto niyang production number nila dahil feeling niya, babagay ito sa kanilang dalawa.

May portion din na magbibigay tribute siya kay Michael Jackson na idol din niya at favorite niya ang mga kanta nitong Ben at One Day in Your Life. Ngayon lang uli gagawa ng ganitong concept ng show si Regine after five years at balik-Viva pa siya kaya special ang gagawin.

Samantala, kahit alam na ang date ng wedding nina Michelle van Eimeren at Mark Murrow, ayaw ni Regine na sa kanya manggaling. Basta dadalo sila ni Ogie Alcasid, kakanta sa wedding at posibleng mag-duet pa sila. Kailan naman sila magpapakasal ni Ogie?

"Alam naman natin kung bakit hindi pa puwede. We have to settle some problem pa, hindi ko na nga tinatanong si Ogie tungkol doon, unless may development or if magbu-volunteer siya. Ayaw ko siyang ma-pressure, kawawa naman. It's a very difficult position. "

Bakit hindi sila sa abroad magpakasal ni Ogie? O kaya, gawin nilang double wedding?

"Hindi valid dito kung sa abroad kami ikakasal. Mas maganda kung mas tama at may blessing dito. Hayaan n'yo, darating din 'yun. Ang importante ma-ayos ang relasyon namin. Tungkol sa double wedding, 'wag naman. It's their moment. "

Mabibili ang tiket sa Most Requested sa SM Ticketnet outlets at P2,625 for Gold seats and P1,260 for Silver seats. Also, call Ticketnet at 9115555 and Viva Concerts and Events at 6876181 local 627 or 620.

* * *

Nakausap namin si Bel Galindez, owner ng Lucida-DS, at masayang ibinalitang nakababawi na ang negosyo niyang nagkaproblema na nagsimula sa report ni Korina Sachez. Nasundan pa ng problema sa endorsers niyang sina Sen. Loren Legarda at Gabby Concepcion.

Milyun-milyon ang nawala kay Bel, nawalan ng trabaho ang 20 workers niya at nagutom ang kanilang pamilya. Wala siyang galit kay Korina at kay Sen. Loren at blessings ang nangyari sa kanya dahil nakilala niya ang tunay niyang mga kaibigan.

Ibinalita rin nitong balik sa pagiging number one sa Mercury Drug Store ang Lucida-DS Glutathione soap. Pati ang Lucida-DS Grapeseed Oil Extract Capsule, Lucida-DS Glutathione Dietary Supplement, Power Joints at Cardi Plus ay maganda ang benta.

Umaasa si Bel na mas makakabawi siya ngayong si Valerie Concepcion na ang endorser ng Lucida DS soap dahil mabait at masipag ito sa trabaho. Up to this month pa ang kontrata ni Gabby at maiintindihan niya kung gustuhin nitong i-pullout ang billboard niya.

Fighter si Bel, ang daming pinagdaanan sa buhay, nagtapos siya ng nursing, nagturo ng midwifery and she earned her first million sa Power Home. Ngayon, thru hardwork, pipiliting ibalik ang malaking perang nawala at mag-number one uli nationwide ang Lucida-DS.

* * *

Magsisimula this Sunday ang bagong episode ng Dear Friend na Kay Tagal Kitang Hinintay at tampok sina Chynna Ortaleza, Polo Ravales at Sunshine Dizon sa direction ni Don Michael Perez. Kasama rin sina Rochelle Barrameda, Princess Violago, Mel Martinez at Dinky Doo.

Sa istorya, five years na ang lumipas mula nang umalis si Rachel (Sunshine) sa bansa. Masama ang loob niyang umalis dahil 'di sumipot sa kasal nila ang nobyong si Michael (Polo).

Sa kanyang pagbabalik, iba na ang buhay niya at isa na siyang kilalang wedding coordinator. Makikilala niya si Dianne (Chynna) na malapit nang ikasal at si Rachel ang magiging wedding coordinator at madidiskubre nitong si Michael ang fiancé ni Dianne. Paano haharapin ni Rachel ang lalaking 'di pa niya limot at ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita?

Happy si Chynna na muling makasama si Sunshine at balik-tambalan ito nina Sunshine at Polo na tinutukso pa rin lalo na ngayong pareho silang single dahil tuluyang nag-break ang actor at ang Fil-Am beauty na kanyang naka-relasyon.

Source: People's Tonight